Tiklo TIKLO–Iniharap sa mga mamamahayag ang mga naarestong suspek na may mga kasong Illegal Possession of Firearms. Kuha ni Jon Jon Reyes

3 tiklo sa gun ban checkpoint sa Maynila

September 1, 2023 Jonjon Reyes 2146 views

TATLO na ang natitimbog sa gun ban sa Maynila kaugnay ng Barangay at Sanggunian Kabataan Elections (BSKE) sa Oktubre.

Tatlong magkakasunod na gun ban violator ang nahuli ng mga pulis ng Manila Police District-Station 1 Meisic Police Station 11 at Barbosa Police Station 14.

May mga nahuli din sa Tondo; Binondo at Quiapo, Manila noong Agosto 30, 2023.

Unang nasita ng grupo ni Police Lieutenant Colonel Rexon Layug, Station Commander ng Meisic Police Station 11 sa San Fernando St., si Mark Anthony, 33, dahil sa hindi pagsusuot ng helmet

Nadiskubre din na may 9MM na pistola na kargado ng siyam na bala ang nahuli sa checkpoint.

Sa Raxabago Police Station 1, bandang 10:50 ng gabi nang masita ang isang 21 anyos na lalaki sa pangunguna ni Police Major Paul Benjamin Mandane, hepe ng Smokey Police Community Precinct, habang nagsisisigaw sa Mel Lopez Boulevard sa panulukan ng Herbosa Barangay 101 Northbound, Tondo.

Samantala, dakong 11:20 ng gabi nang matimbog ang isang 33- anyos na suspek sa nasabing lugar.

Ayon kay Police Lieutenant Colonel Roberto Mupas, Commander ng Barbosa Police Station 14, namataan ng kanyang mga tauhan ang isang lalaki na nagtatago sa dilim.

Dito na nila sinita ang nagpakilalang si Adrian, 33, tricycle driver, nang makitaan ito ng pen gun na may isang bala.

AUTHOR PROFILE