Fajardo

Rodriguez police chief sibak sa pwesto

September 1, 2023 Zaida I. Delos Reyes 152 views

SINIBAK sa pwesto ang hepe ng Rodriguez, Rizal police kaugnay ng pagkakasawi ng isang 15-anyos na lalaki ng mga pulis.

“Lieutenant Colonel Ruben Piquero was administratively relieved as Chief of Police, Rodriguez, Rizal for command responsibility,” pahayag ni PNP spokesperson Col. Jean Fajardo.

Papalitan siya ni Police Lieutenant Colonel Arnulfo Silencio.

Matatandaan na nitong August 24, napatay ang biktimang si John Francis Ompad matapos mabaril ni Police Corporal Arnulfo Gabriel Sabillo habang tinutugis ang kanyang kapatid ng mga pulis sa Barangay San Isidro sa Rodriguez, Rizal.

Sakay ng motorsiklo ang kapatid ng biktima na si John Ace pauwi sa kanilang bahay nang harangin nina Sabillo at Jeffrey Beluan Baguio.

Nagkaroon ng habulan sa pagitan ng mga pulis at John Ace hanggang sa ihagis ng huli ang kanyang helmet sa humahabol na pulis.

Sa puntong ito, binunot ni Sabillo ang kanyang baril ang pinaputukan ng apat na beses si John Ace na tumama kay John Francis na kalalabas lamang ng kanilang bahay.

Arestado ang mga pulis at nahaharap sa homicide at attempted homicide.