Gonzales

Kaso ng nanutok for resolution na

September 1, 2023 Jun I. Legaspi 290 views

INIHAYAG ni Land Transportation Office-National Capital Region (LTO-NCR) Acting Assistant Regional Director Hanzley Lim na submitted for resolution na ang kinahaharap na kaso ni Wilfredo Gonzales na sumikat sa panunutok ng baril sa isang siklista sa Quezon City.

Sinabi ni Lim na hindi sumipot si Gonzales sa pagdinig noong Huwebes, Agosto 31.

Tanging anak lang ng dating pulis ang nagsauli ng kanyang lisensya ng baril.

“Mr Gonzales did not submit an affidavit so we take it as a waiver on his part for us to decide on the matter based on the pieces of evidence we have,” wika ni Lim.

Base sa Shaw Cause Order (SCO) na nilagdaan ni LTO-NCR Director Roque Verzosa III, ituturing nang pag-amin sa mga aksasyong ipinaparatang sa kaniya kung hindi siya sisipot sa pagdinig.

Nakasaad sa SCO na inaatasan si Gonzales na magpaliwanag kung bakit hindi siya dapat parusahan sa apat na paglabag sa ilalim ng Republic Act 4136 o ang Land Transportation and Traffic Code, kabilang na reckless driving, obstruction of traffic at improper person to operate a motor vehicle.

Nauna nang binigyang direktiba ni Mendoza ang LTO-NCR na madaliin ang resolusyon sa kaso nang hindi naaapakan ang karapatan ni Gonzales na sumailalim sa due process.

Samantala, tumalima naman ang rehistradong may-ari ng KIA Rio sa kautsan ng LTO na magpaliwanag sa pamamagitan ng isinumite nitong sinumpaang salaysay at pagpapakita ng Deed of Sale na katunayang naibenta na nito ang sasakyan sa anak ni Gonzales.

AUTHOR PROFILE