Default Thumbnail

3 patay sa shooting sa Ateneo graduation rites

July 24, 2022 Melnie Ragasa-limena 372 views

TATLO ang kumpirmadong patay habang isa ang sugatan sa naganap na pamamaril bago ganapin ang graduation ceremony sa Ateneo de Manila University sa Quezon City, Linggo ng hapon.

Nakilala ang mga nasawi na sina ex-Lamitan, Basilan Mayor Rosita Furigay; George Capistrano, executive assistant; at Jeneven Bandiola,37.

Si Furigay ay binawian ng buhay habang sinusugod sa died World City Medical Center. Si Bandiola ay dineklarang dead upon arrival sa Quezon City Medical Center.

Si Capistrano ay nasawi on the spot.

Ang pang-apat na biktima na umano’y anak ni Furigay na nakilalang si Hannait Uy Furigay,25, ay sugatan at sinugod sa QMMC. Ayon kay Q.C. Police District director, Brigadier General Remus B. Medina, ang shooter na nakilalang si Ramil Hermo Nicomdedez, residente ng Block 71, Lot 51, Montecillo Townhomes in Graceville, San Jose del Monte City in Bulacan, ay naaresto matapos ang insidente.

Sa report ng Criminal Investigation and Detection Unit ng Quezon CIty Police District (CIDU-QCPD), pasado 2:55 p.m. (July 24) nang maganap ang insidente sa Ateneo Gate 3 bago ang mismong graduation ng Ateneo law schoool.

Batay sa inisyal na report kay QCPD Director PBGen Remus Medina, ang gunman ay umakyat sa pader ng Varsity Hills Subdivision sa harapan ng barangay hall ng Barangay Loyola Heights at tumakbo sa gate ng village saka sumakay sa getaway vehicle at tumakas patungong Aurora Blvd. pero nahuli rin ito sa Esteban Abada St., sa Aurora Blvd.

“Yung guard declared na namatay. ‘Yung isa pang (biktima) isinugod sa ospital,”ayon kay QCPD Director PBGen Remus Medina.

Ayon kay Atty. Brian Hosaka, tagapagsalita ng Supreme Court (SC), ligtas naman si Chief Justice Gesmundo na guest speaker sana sa Ateneo Law School Graduation ceremony dahil nasa transit pa umano ito ng maganap ang pamamaril.

Sa Twitter post ng Guidon, ang official student publication ng Ateneo De Manila University, dahil sa pamamaril ay ini-lockdown ang campus, at walang pinalabas na mga ipinatupad ang shelter-in-place protocols sa paaralan.

Pansamantalang kinansela ang graduation rites na sisimulan dapat ng alas 4:00 ng hapon.

Hanggang sa isinusulat ito ay patuloy pang nagsasagawa ng imbestigasyon ang mga awtoridad. Nina MELNIE RAGASA-JIMENA & ALFRED DALIZON