Default Thumbnail

3 olats sa pulis, 3 mala- Palos sa raid sa sugalan

July 3, 2023 Steve A. Gosuico 348 views

SAN JOSE CITY–Tatlong katao ang arestado habang tatlo pa ang nakatakas nang salakayin ng mga pulis ang isang sugalan dito nitong Lunes ng madaling araw.

Sinabi ni San Jose City police chief Lt. Col. Marlon M. Cudal na agad niyang ipinag-utos ang pagsalakay sa sugalan matapos makakuha ng tip ang kanyang mga intelligence operatives na may nangyayaring ilegal na aktibidad sa Zone 10, Bgy. Tayabo sa 1:10 a.m.

Sinabi ni Cudal na naglalaro umano ng mahjong ang mga suspek sa lugar nang dakpin ng mga pulis.

Arestado ang isang 61-anyos na ahente ng Small Town Lottery (STL) na sinasabing operator ng gambling den, isang 40-anyos na construction worker at isang 56-anyos na maybahay, pawang taga-Bgy. Tayabo.

Sinabi ni Cudal na tatlong iba pang babaeng manlalaro ang nakatakas.

Residente ng Bgy. Tayabo ang mga nakatakas.

Nasamsam sa operasyon ang isang mahjong set na may dalawang maliit na dice, isang wooden table at apat na monobloc chair.

Dinala sa himpilan ng pulisya dito ang tatlong naarestong suspek kasama ang mga nakuhang ebidensya na gagamiting ebidensiya sa pagsasampa ng kaso.

Inihahanda na ng mga pulis ang mga kasong paglabag sa Presidential Decree 1602 para sa inquest-filing laban sa mga naarestong suspek.

AUTHOR PROFILE