Default Thumbnail

3 kalaboso sa shabu, cocaine sa Taguig

June 15, 2023 Edd Reyes 201 views

DALAWANG “sugapa” umano sa paggamit ng iligal na droga ang nakipagsabuwatan sa pagbebenta ng iligal na droga sa kanilang supplier na nagresulta sa kanilang pagkakadakip sa isinagawang buy-bust operation Miyerkules ng hapon sa Taguig City.

Tanging si alyas “Tokleng,” 51, ang target ng ikinasang buy-bust operation ng mga tauhan ng District Drug Enforcement Unit (DDEU) ng Southern Police District (SPD) na kabilang sa listahan ng mga “high-value individual” (HVI) subalit sumama at nakipagsabuwatan pa sa pagbebenta ang dalawa pang suspek na sinasabing gumagamit ng ipinagbabawal na gamot.

Sa ulat ni SPD (Southern Police District) Director P/BGen. Kirby John Kraft kay National Capital Region Police Office (NCRPO) Director P/MGen. Edgar Alan Okubo, dakong alas-4 ng hapon nang isagawa ang buy-bust operation laban kay “Tokleng” sa may J. Ramos Street, Barangay Ibayo Tipas matapos kumagat sa pakikipag-transaksiyon sa pulis na nagpanggap na buyer.

Kasama ni Tokleng ang dalawa niyang “suki” umano sa pagbebenta ng shabu nang pagbentahan ng halagang P500 ang police poseur-buyer na nagresulta sa kanilang pagkakadakip.

Sinabi ni Kraft na bukod sa mahigit kumulang na anim na gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P40,800, nakumpiska rin ng mga tauhan ng DDEU sa mga suspek ang 3.66 gramo ng cocaine na may katumbas na halagang P19,398, pati na ang markadong salapi.

Nagpaabot naman ng papuri si Okubo sa mga tauhan ng SPD sa kanilang katangi-tanging dedikasyon sa tungkulin na laging nagreresulta sa matagumpay na operasyon.

“This accomplishment is a testament to the relentless pursuit of justice and the commitment to eradicate illegal drugs in our communities,” pahayag pa ni Okubo.

AUTHOR PROFILE