Default Thumbnail

Atat na atat mamatay

June 15, 2023 Edd Reyes 240 views

TULUYAN ng naisakatuparan ng 32-anyos na binata ang umano’y ilang ulit na tangkang pagpapakamatay matapos madiskubre ang nakabitin niyang katawan sa harap ng kanilang bahay Huwebes ng madaling araw sa Malabon City.

Isinugod pa sa Tondo Medical Center ng mga nagrespondeng tauhan ng barangay ang walang hanapbuhay na biktima subalit idineklarang patay na ng mga doktor nang idating sa naturang pagamutan.

Sa ulat na ipinadala nina P/SSgt Diego Ngippol at P/SSgt/ Bengie Nalogoc kay Malabon police chief P/Col. Amante Daro, nadaanan pa ng 21 na anyos na residente rin sa naturang lugar, ang biktima habang inaayos ang lamesa sa harap ng kanilang bahay hawak ang isang panali ng bag subalit pagbalik niya dakong alas-12:40 ng madaling araw, nakabitin na ang katawan ng binata.

Humingi kaagad ng tulong ang nakakita sa mga kapitbahay na nagtulong-tulong patirin ang tali ng bag na nakapulupot sa leet bago isinugod ng mga tauhan ng barangay sa pagamutan.

Sa pahayag ng kapatid ng biktima sa pulisya, ilang ulit na umanong nagtang itong magpakamatay. Simula pa noong buwan ng Abril hanggang Mayo ang biktima habang paulit-ulit na sinasabi umano ang katagang, “Ayaw ko ng mabuhay, gusto ko ng mamatay,”

Naghain din ng waiver ang kapatid ng biktima na nagpapatunay na hindi na sila interesado pang magsagawa ng imbestigasyon ang pulisya sa paniwalang walang nangyaring foul play sa pagkasawi ng binata.

AUTHOR PROFILE