2K pulis ikakalat sa 61 simbahan para sa ‘Simbang Gabi’ sa Maynila

December 14, 2022 Jonjon Reyes 571 views

SA pagsisimula ng tradisyunal na “Simbang Gabi” mula Disyembre 16 sa loob ng siyam na araw, halos 2,000 pulis-Maynila ang idedeploy ng Manila Police District (MPD) na magbabantay at paiigtingin ang seguridad sa 61 nga mga simbahang Katoliko sa Lungsod ng Maynila.

Ayon kay MPD Director Police Brig. Gen. Andre P. Dizon, iniutos nito sa 14 na station commanders ang mahigpit na paglataga ng seguridad simula Disyembre 16.

Partikular na ang mga lugar na babantayan ay ang ang Sto. Niño sa Tondo at Sto. Niño sa Pandacan.

Bukod pa sa Manila Cathedral, San Agustin Church sa Intramuros; Sta. Monica Chuch sa Dagupan Street sa Tondo; Espiritu Church sa Rizal Avenue; San Roque Church sa Blumentritt sa Sta. Cruz; sa loob ng La Loma Cemetery; at sa Sta. Cruz Church at iba pang pook-simbahan.

Ayon kay Dizon, ang mga kagawad ng MPD ay lulan ng mga mobile car, motorsiklo, at bisikleta upang mag-ikot sa mga naturang simbahan.

Layunin ng MPD director na maging mapayapa at mabigyang seguridad ang mga magsisimba at maiwasan ang mga insidente tulad ng snatching, salisi, at holdapan sa kalye.

Tiniyak pa ni Dizon na gagampanan ng kanyang mga tauhan sa pagbabantay sa mga mamamayan ng lungsod.

Mahigpit din ang naging direktiba ni Dizon lalo na sa mga kabataan na maaaring magsimula ng mga riot sa pagdaraos ng Simbang Gabi.

AUTHOR PROFILE