BBM3

$20M investments ibubuhos ng Australia sa PH

February 29, 2024 Chona Yu 76 views

NASA $20 milyong investment ang ibubuhos ng Australia sa Pilipinas, ayon kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

Layunin ng proyekto na suportahan ang PIlipinas sa reporma nito sa justice system.

Sa isang press statement mula sa tanggapan ni Prime minister Anthony Albanese, mas pinalakas pa ng close personal connections ang ugnayang Pilipinas at Australia.

Pinuri rin ni Albanese si Pangulong Marcos dahil sa produktibong diskusyon na nakasentro lang sa close collaboration bilang strategic partners.

“We are ambitious for what we can achieve together and I’m pleased we are working actively to build a peaceful region where international law is respected and waterways are open for trade,” pahayag ni Albanese.

Iginiit pa ni Albanese na key pillar ang strategic partnership sa Pilipinas na commitment para mas maging matatag pa ang ugnayan sa rehiyon.

AUTHOR PROFILE