inton

20% discount sa elderly, minors, PWDs na pasahero dapat ibigay

November 8, 2021 Jun I. Legaspi 282 views

ANG mga senior citizens at menor-de-edad ay maaari nang sumakay sa public transportation kabilang ang mga traditional jeepney.

Kasabay nito mahigpit ang pagpapaalala na tulad ng ibang pasahero ay kailangan pa rin nilang sumunod sa ipinatutupad na health protocols.

Sinabi ni Atty. Ariel Inton, founder ng Lawyers for Commuters Safety and Protection (LCSP), na maraming nagtanong kung umiiral pa rin ang 20 percent discount ng mga senior citizens, student fare discount at sa mga persons with disability.

Ayon kay, Inton dahil sa batas, dapat pa ring ibigay ang 20 percent discount ng SC, PWD at students.

Pahayag pa ni Inton na pinag-aaralan kung maaari nang gawing 100 per cent o full passenger capacity ang mga public vehicles. kasalukuyan ay 70 percent capacity ang pinapayagan pero dahil sa kakulangan ng sasakyan lalo na pag rush hour ay hindi maiwasan na punuan ang mga jeep at bus.

Ang coding ay nananatiling suspendido. Ngunit ayon sa MMDA, oras na bumalik sa pre-pandemic time ang daloy ng trapiko lalo na sa EDSA ay maaring ipatupad muli ito.

Observation ng LCSP, mas mabuti na suspendido pa rin ang coding lalo na at hindi pa full capacity ang public transport.

Marami pang pagbabago ng polisiya sa transport. Pero sana ay maging mas makabuti ang mga ito at makatulong, halimbawa – dapat ay hindi na ipatupad ang pagsuot ng face shield para lamang makasakay ng public transport, saad ni Inton.

AUTHOR PROFILE