MPD

2 nasakote sa P81K shabu sa Malate

July 28, 2022 Jonjon Reyes 380 views

SWAK sa selda ng Manila Police District (MPD) Malate Police Station 9 ang dalawang hinihinalang “tulak” ng ilegal na droga, sa ikinasang “buy-bust” operation sa Malate, Maynila, Miyerkules ng gabi.

Base sa ulat ni P/Lt. Col. Salvador Tangdol, station commander, bandang 9:10 ng gabi , nang isagawa ang buy-bust operation sa Zobel Street, malapit sa panulukan ng Arellano Avenue sa Barangay 755 sa Malate.

Pinangunahan ni P/Lt. Josephus Melpaz, hepe ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng Station 9 ang pag-aresto sa mga suspek bunga ng tip mula sa impormante at “notorious” umano sa kanilang lugar at sa kalapit na lugar sa Makati City.

Narekober ang anim na plastic sachet ng shabu na tumitimbang ng 12 gramo at may street value na P81,600.

Kapwa nahaharap sa kasong paglabag sa Section 5 at 11 ng Republic Act 9165 ang dalawang suspek na binate na taga-Julio de Jesus St., Palanan, Makati City at ang dalagang suspek na residente ng F. Muñoz St., Pasay City.

AUTHOR PROFILE