Mayor isko moreno Mayor isko moreno

2 lola sa Maynila may P100K regalo sa ika-100th b-day

May 28, 2022 Edd Reyes 279 views

NAGPAABOT ng pagbati si Mayor Isko Moreno sa dalawa pang lola na tumanggap ng tig-P100,000 matapos na sumapit sila sa kanilang ika-100 taong kaarawan.

Binigyang pugay ni Mayor Isko sina Carolina Villa Rodriguez ng Lardizabal St., Sampaloc, Manila at Amparo Alino ng Bagumbayan St., Sta Mesa, Manila, matapos ipagkaloob sa kanila ang kani-kanilang tseke na nagkakahalaga ng P100,000 bilang pagkilala sa kanilang kontribusyon sa naging progreso ng lungsod.

Ang pamamahagi ng salapi sa dalawang sentenaryo ay inianunsiyo ng alkalde sa regular na programang “The Capital Report” ng Manila Public Information Office na ipinalabas sa personal na Facebook page ni Mayor Isko sa social media Biyernes ng hapon.

Bukod sa cash gift, nakatakda ring makatanggap sina Lola Carolina at Lola Amparo ng liham ng pagbati sa mismong pangulo ng Republika ng Pilipinas bilang pagpupugay sa kanilang mga kontribusyon sa bansa.

Sa kanya pang pag-uulat, ibinahagi ni Mayor Isko ang aniya ay patuloy na pamamahagi ng birthday cake sa mga senior citizen na magdaraos ng kanilang kaarawan.

Hanggang nito lamang araw ng Biyernes, umaabot na sa kabuaang 64,695 na birthday cake ang naipamahagi na ng Lungsod ng Maynila na tinagurian ni Mayor Isko na “Cake My Day”.

“Masaya ako sa mga senior citizen na nakakatanggap ng cake sa kanilang kaarawan. It’s been three years na namamahagi tayo ng regalong cake sa ating mga lolo at lola sa lungsod,” sabi pa ng alkalde.

AUTHOR PROFILE