Default Thumbnail

2 lalaki huli sa ‘sex kotong’

June 27, 2023 Steve A. Gosuico 198 views

TALAVERA, Nueva Ecija – Arestado ang dating nobyo ng isang 21-anyos na babae at isa pang lalaki matapos mangikil sa kanya ng P1,000 at pagbabantaang ilantad ang mga hubad na larawan diumano ng biktima sa pamamagitan ng social media, ayon sa pulisya.

Ayon kay police head Major Domingo A. Resma Jr., nahuli ang dalawang suspek kasunod ng entrapment operation laban sa kanila sa Barangay Poblacion Sur alas-11:30 ng umaga ng Lunes (Hunyo 26) dito.

Sinabi ni Resma na ang biktima, residente ng Bgy. Maestrang Kikay, ay agad na humingi ng tulong sa pulisya matapos ireklamo ng kanyang dating nobyo, edad 19, construction worker, ng Bgy. Pagasa, Talavera, at isa pang suspek, 24-anyos na helper, ng Bgy. Poblacion Sur na ikakalat umano ang kanyang mga hubad na larawan kung hindi niya ito bibigyan ng P1,000 sa pamamagitan ng kanyang GCash account.

Sinabi ni Resma na ang mga naarestong suspek ay nakakulong ngayon dito at nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9995 (Anti-Photo and Video Voyeurism Act) at extortion sa provincial prosecutor’s office.

AUTHOR PROFILE