Default Thumbnail

Mister na ‘gumilit’ sa leeg ng titser, sumuko

June 27, 2023 Zaida I. Delos Reyes 162 views

SUMUKO sa mga alagad ng batas ang mister na pumatay sa kanyang misis na teacher dahil umano sa sinasabing “pagseselos” diumano nito sa Dumalinao, Zamboanga del Sur.

Ang suspek na sumuko sa lokal na pulisya ay 50-anyos at residente ng naturang bayan.

Sa himpilan ng pulisya, inamin ng suspek ang pagpatay sa kanyang maybahay na 48-anyos na titser sa Rebokon Agricultural and Vocational School sa Dumalinao.

Ayon pa suspek, ginilitan niya diumano sa leeg ang asawa gamit ang machete nang hilingin umano nito sa kanya na maghiwalay na sila at ipawalang bisa ang kanilang kasal sa pamamagitan ng annulment umano.

Sa kasalukuyan, patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng pulisya upang bigyang linaw ang insidente.