Timbog2 Ang mga naarestong suspek sa isinagawang operation ng mga kapulisan ng MPD-Delpan Police Station 12 sa Tondo, Manila. Kuha ni JONJON C. REYES

2 kelot timbog sa sugal, nakaw

February 28, 2024 Jonjon Reyes 124 views

MAGKASUNOD na inaresto ang dalawang lalaki ng mga tauhan ng Warrant and Intelligence unit ng Manila Poiice District Delpan Police Station 12 sa magkahiwalay na operasyon sa Sta Ana at Pandacan, Manila, Martes ng hapon.

Nahaharap sa kasong paglabag sa Presidential Degree 1602 ang supek na si alyas Danny , 21, obrerom, ng Tejeron Street, Sta. Ana.

Ayon sa ulat ni Police Lieutenant Colonel Ness Vargas, bandang 2:30 p.m. nang matunton ang suspek Martes ng hapon sa panulukan ng Pedro Gill Street at Pasig line St. sa Sta. Ana

Dinampot ang suspek dahil sa kaso nito na inisyu ni Judge Alvin G. Pua, ng Manila Metropolitan Trial Branch 23, Manila,na may petsang February 22, 2024.
Bandang 7 p.m. na maaresto din ng pulisya ,ang isang 16-anyos na estudyante na kinilalang si alyas Quentine ng Otis, Paco.

Base sa ulat ng pulisya, dahil sa isinagawang ” Oplan Galugad ” ng mga operatiba, ay naaresto ang binatilyo sa kasong pagnanakaw at sa utos ni Judge Christopher S.Dimatatac, ng MTC Branch 2, ng Manila, na may petsang February 26, 2024.

AUTHOR PROFILE