Gapas

2 crime suspek laglag sa pulis

September 4, 2023 Edd Reyes 248 views

NADAKIP ng mga pulis ang dalawang wanted sa magkahiwalay na operasyon sa Laguna at Caloocan City.

Ayon kay NPD Director P/BGen. Rizalito Gapas, dakong ala-1:20 ng hapon ng Sabado nang matunton ng mga tauhan ni Valenzuela police chief P/Col. Salvador Destura si Chirre Gard David, alyas, Jay R Roxas David, 20, sa Pulo Diezmo Road, Cabuyao, Laguna dahil sa panghahalay sa isang menor-de-edad.

Bitbit ni P/Lt. Ronald Bautista ang warrant of arrest na inilabas ni Valenzuela Family Court Presiding Judge Mateo B. Altarejoz ng Branch 16 nang dakpin si David.

Dakong alas-5:30 naman ng hapon nang isilbi ng mga tauhan ni Caloocan police chief P/Col. Ruben Lacuesta ang warrant of arrest kay Restituto Faballa, alyas ‘Asiong Buloktoy,’ 41, sa loob ng Custodial Facility ng Camarin Police Sub-Station 10 sa Zapote Road, Brgy. 177 Camarin.

Una nang nadakip sa reklamong panggugulo si Buloktoy.

Ayon kay Col. Lacuesta, nahaharap sa kasong murder si Buloktoy.

Pinuri naman ni BGen. Gapas ang mga tauhan ng Valenzuela at Caloocan police sa puspusang pagtugis sa mga wanted sa batas.

AUTHOR PROFILE