Default Thumbnail

2 bebot pinagbabaril sa Manila North Cemetery; isa nasawi

February 15, 2023 Jonjon Reyes 336 views

DEAD on the spot sa pinangyarihan ng krimen ang isang 33-anyos na dalaga, habang sugatan naman ang kasama nito, nang pagbabarilin ng isang hindi pa tukoy na salarin sa loob ng Manila North Cemetery sa Sta. Cruz, Maynila, Martes ng hapon.

Ang napaslang na biktima ay residente ng Banaue, Quezon City, habang ang kasama nito ay sugatan, 28, isang waitress at naninirahan sa loob ng nasabing semeteryo at kasalukuyan itong inoobserbahan sa Jose Reyes Memorial Medical Center (JRMMC).

Agad namang rumesponde sa lugar sila Capt. Turla, kasama si Det. Sir Christian Joseph Pineda, may hawak ng kaso at nadatnan nila si P/Capt. Ferdinand Cayabyab ng Blumentritt PCP (Police Community Precinct) sakop ng Station 3 at nakakordon na ang lugar.

Ayon kay Turla, hepe ng Manila Police District (MPD) Homicide Section, pasado 3:25 ng hapon, Pebrero 14 nang maganap ang pamamaril at tanging pakay lamang umano ang namatay na biktima at nadamay lamang ang sugatang biktima.

Kabilang naman sa mga rumesponde ay ang mga tauhan ng Forensic Unit ng MPD sa pangunguna ni P/Capt. Giovanni Brinquez upang mangalap ng mga ebidensiya sa ikalulutas ng kaso.

AUTHOR PROFILE