Default Thumbnail

2 ASG sumuko sa Western Mindanao

January 23, 2023 Zaida I. Delos Reyes 224 views

SUMUKO sa Naval Forces Western Mindanao (NFWM) ang dalawang miyembro umano ng bandidong Abu Sayyaf Group (ASG) upang makapamuhay ng normal at mapayapa kasama ang kanilamg pamilya.

Ito ang kinumpirma nitong Lunes ni Ens. Chymee Grace C. Gagarra, tagapagsalita ng NFWM.

Aniya, ang mga bandido ay sumuko nitong Enero 20, 2023 sa tulong ng Naval Task Force 61 units, NISG-WM, at Joint Task Force-Sulu.

Gayunman, hindi muna pinangalanan ang mga sumuko para sa kanilang seguridad.

Ang mga sumuko ay agad na iniharap kay Vice Admiral Torinio D. Adaci Jr., 40th Flag Officer In Command, at Rear Admiral Anthony L. Miraflor, commander ng NFWM sa Officer’s Club.

Isinuko din ng dating mga bandido ang kanilang armas na kinabibilangan mg isang KG9 submachine pistol na may isang magazine at isang garand rifle.