Robbery Makikita sa mga larawan ang pinangyarihan ng krimen at ang naarestong suspek. Mga kuha mula. sa. PIO-NEPPO

18-anyos na robbery suspek nadakma

February 29, 2024 Steve A. Gosuico 146 views

QUEZON, Nueva Ecija–Naaresto ng mga otoridad ang suspek sa panloloob sa pamamagitan ng puwersahang pagpasok sa loob ng printing shop sa bayang ito at tumangay ng P25,000 noong Huwebes.

Natiklo ang suspek na si alyas Papa, 18, ng Purok 6, Brgy. Dulong Bayan sa pagre-review sa close circuit television (CCTV) ng Jianne Printing Services.

Nangyari ang nakawan dakong alas-12:05 ng madaling araw, ayon kay Major Angelito Manalastas, hepe ng pulisya.

Lumalabas sa inisyal na imbestigasyon na nakapasok ang suspek sa backdoor ng tindahan sa pamamagitan ng pagsira sa screen door at door knob.

Pagkatapos nito, tinangay ng suspek mula sa loob ng cash drawer ang benta ng tindahan na nagkakahalaga ng P25,000.

Inihahanda na ang mga kasong paglabag sa Article 293 ng Revised Penal Code (Robbery with Force Upon Things) laban sa suspek.

AUTHOR PROFILE