Albay Source: Albay

Albay mayors nagkasundong itigil STL, jueteng sa kanilang lugar

February 29, 2024 Zaida I. Delos Reyes 109 views

NAGKASUNDO ang mga local chief executives ng Albay sa Bicol Region na tuluyan nang tanggalin ang small time lottery (STL) at jueteng sa kanilang Lugar

Giit ng mga alkalde, isang nahalal na opisyal lamang ang nakikinabang dito sa halip na mga mamamayan ng rehiyon.

Anila, nakarating sa kanilang kaalaman na ginamit ng naturang opisyal ang kanyang impluwensiya upang tuluyang kumubra ng kita mula sa naturang sugal.

Dagdag pa ng mga alkalde, tanging ang opisyal lamang umano ang may patong sa naturang sugal at kahit na galit na ang mga alkalde ay wala silang magawa.

Sinasabing hindi rin nagustuhan ng mga jueteng operator sa Bicol ang ginawa ng opisyal na pakikialam sa kanilang numbers game.

Binigyang diin ng mga alkalde na mas mabuting itigil na nila ang STL sa kanilang mga lugar dahil wala naman ditong pakinabang ang mamamayan kundi ang naturang opisyal lamang.