Sunog PATAYIN NATIN–Inaapula ng mga miyembro ng Bureau of Fire Protection ang sunog matapos lamunin ang 10 kabahayan sa Malate, Maynila.

10 bahay nilamon ng apoy sa Malate

May 27, 2024 Jonjon Reyes 75 views

NILAMON ng apoy ang may 10 kabahayan kasama ang isang chapel sa Leon Guinto St., Malate, Maynila noong Lunes.

Ayon sa report ni Fire Senior Superintendent Christine Cula, District Fire Marshall ng Bureau of Fire Protection (BFP), gawa sa light materials ang mga bahay na nilamon ng apoy sa Brgy. 692 sa panulukan ng Quirino Avenue sa kanto ng Leon Guinto St. sa Malate, Maynila.

Ayon pa kay Cula, dalawa ang nasugatan sa sunog kabilang ang isang volunteer at isang firefighter ng BFP.

“‘Yung isang bumbero natin kailangan matahi Yung injury niya sa mukha,” saad ni Cula.

Ayon sa ilang mga seaman na nangungupahan sa mga bahay, napansin nila ang spark ng kuryente sa kisame mula sa isa pang bahay sa nasabing lugar.

Aabot sa 10 pamilya ang nawalan ng tirahan sa sunog na nagsimula bandang alas-12:21 ng madaling araw at idineklarang fire out alas-3:30 ng umaga.

Tinatayang aabot sa P500,000 ang structural damage dahil karamihan ng mga nasunugan walang naisalba sa sunog.

AUTHOR PROFILE