Lacuna1

Laging mag-facemask sa mataong lugar–Mayor Honey

May 27, 2024 Edd Reyes 189 views

NAGPAALAALA si Manila Mayor Maria Sheilah “Honey” Lacuna-Pangan sa publiko, partikular ang mga matatanda at maysakit, na maging maingat sa pagsusuot ng face mask sa mga matataong lugar.

Aminado si Mayor Lacuna sa kanyang Facebook account na tumaas ang kaso ng COVID-19 sa lungsod at patunay dito ang naitalang siyam hanggang 10-kaso noong nakaraang linggo.

Bukod sa pagsusuot ng face mask, dapat din lagi maghugas ng kamay, magkaroon ng tamang distansiya at umiwas sa mga tao na may sintomas ng COVID-19.

Sinabi ng alkalde na kahit hindi naman labis na nakakabahala ang pagtaas ng COVID-19 sa lungod, kinailangan ang laging pagpapaalala sa mamamayan dahil wala ng bakuna na panlaban sa sakit sa Maynila.

Una ng kinumpira noong nakaraang linggo ang Department of Health (DOH) na may pagtaas sa kaso ng COVID-19 sa bansa na bagama’t hindi naman nakaka-alarma kailangan pa ring maging alerto ang publiko.

AUTHOR PROFILE