Default Thumbnail

1-strike policy vs Ecija cops inutos

July 13, 2023 Steve A. Gosuico 216 views

CABANATUAN CITY–Inutusan ni Nueva Ecija chief of police Col. Richard V. Caballero ang 32 chiefs of police ng lahat ng bayan at siyudad ng lalawigan na agad sibakin sa puwesto ang sinumang pulis na masasangkot sa anumang “untoward incident” partikular na ang pamamaril.

Inatasan din ni Caballero ang kanyang mga tauhan na paigtingin ang crackdown laban sa mga gun-for-hire syndicates na kumikilos sa lalawigan bilang paghahanda sa darating na Barangay at Sangguniang Kabataan elections sa Oktubre 30.

Dapat ding “i-report nang walang pagkaantala” sa kanya ang mga insidente ng pamamaril at robbery-hold-up.

Inutos ito ni Caballero sa kanyang mga hepe ng pulisya sa gitna ng naunang utos na gawing “fool proof” o “without flaws” hangga’t maaari ang “Oplan Bakod” anti-criminality operations sa apat na distrito ng lalawigan.

Brainchild ni Caballero ang “Oplan Bakod” na idinisenyo para hulihin ang mga kriminal sa pamamagitan ng dragnet operations tuwing may naiulat na hindi kanais-nais na insidente sa mga awtoridad.

Sinabihan niya ang mga hepe ng pulisya na pagbutihin ang pagsasagawa ng “simulation exercises” (SIMEX) at makipag-ugnayan sa isa’t-isa lalo na sa pagsasagawa ng mga “joint drills.”

AUTHOR PROFILE