1 patay, 1 timbog, 4 sugatan sa sunog sa Sta. Cruz
KALABOSO ang sinasabing may sakit sa pag iisip na hinihinalaang nanunog ng bahay kung ang isang 55-anyos na Filipino-Taiwanese ang namatay Linggo ng umaga sa New Antipolo St., Sta. Cruz, Manila.
Isinailalim sa masusing Imbestigayon ng Manila Fire Department ng Bureau of Fire Protection (BFP) ang suspek na si Leonardo Reboses ,nasa hustong gulang na di-umano’y itinuturong nanunog ng bahay.
Kinilala naman ang namatay na biktima na si Rogelio Esteron, Filipino-Taiwanese, 55, company driver sa Makati, at tatlong buwan pa lang na nangungupahan sa lugar.
Kabilang naman sa apat na nasugatan sina Rosalina Perez at Leonardo Pavilar at dalawa pang hindi binanggit ang mga pangalan.
Base sa ulat ng BFP ,nagsimulang sumiklab ang sunog sa tatlong palapag na lumang bahay bandang 7:07 a.m. Ang sunog ay umabot sa ikalawang alarma at idineklarang fire out dakong 9:22 a.m.
Nabatid sa isinagawang pagsisiyasat ni Senior Fire Officer Roderick Andres , may hawak ng kaso, nakasalubong pa umano ng ilang kapitbahay si Esteron at sinabi umano nito na may sunog pero dumiretso pa rin ito sa inuupahang kuwarto.
Sa kuwarto ng isang Eric Familar na nasa ilalawang palapag nagsimula ang sunog. Kapatid nito sa ama ng suspek na sinasabing may problema sa pag-iisip.
Ayon sa BFP, may 30 struktura ang nadamay masunog at 180 pamilya ang nawalan ng bahay.