Pekeng empleyado arestado sa ‘estafa’
BINITBIT ng.mga operatiba ng Manila Police District sa isang 41-anyos na dalaga sa isinagawang entrapment operation Sabado makaraang magpanggap umano ang suspek na empleyado ng Documents and Permits PH Company at nahuthutan ang ng mahigit P85,000 ang isang ginang sa Binondo, Manila.
Kinilala ni MPD- Director P/ Brigadier General Leo ” Paco” Francisco ang suspek na si Mary Grace Iñigo, residente ng Aragoza St., Brgy Batingan Binangonan Rizal.
Batay sa ulat ni P/ Major Cicero Pura, hepe ng District Special Operation Unit( DSOU) ng MPD, nagsadya sa kanilang tanggapan ang 29-anyos na ginang ng Soler St., Brgy 292, Binondo, hinggil umano kay Iñigo.
Ayon sa biktima, nangailangan umano itong kumuha ng business permit at ang suspek umano ang humarap.
Mula sa iba’t ibang araw , nakakuha na umano ng P85, 681,90 si Iñigo sa biktima.
Nag-request pa umano ang suspek na dagdagan pa ang pera upang makakuha na ito ng business permit.
Dahil dito ikinasa ni Major Pura ang entrapment operation. Nakipagkita ang ginang sa suspek bandang 4:40 p.k. sa isang restaurant sa Dadivas St., Brgy 292 Zone 28 sa Binondo.
Nang iabot na sa suspek ang markadong salapi kasama ang buddle money, dito na ito inakbayan at saka dinala sa pagamutan para sa medical check up, bago dinala sa DSOU.
Si Iñigo ay nahaharap sa kasong paglabag sa Article 315 o estafa. Nina JON-JON C. REYES & C.J. ALIÑO