Zsa Zsa sasamantalahin ang ‘ASAP’ concert sa Las Vegas

September 6, 2022 Aster Amoyo 677 views

TIYAK na dadayuhin ang The Orleans Hotel & Casino in Las Vegas, Nevada hindi lamang ng mga Pinoy na nakatira sa Vegas kundi maging sa mga karatig lugar including Los Angeles, California dahil magpi-perform doon ang cast ng “ASAP Natin `To” sa November 5, 2022, araw ng Sabado.

Ang “ASAP Natin `To” cast ay pangungunahan nina Martin Nievera, Gary Valenciano, Zsa Zsa Padilla, Ogie Alcasid at Regine Velasquez-Alcasid. Makakasama rin sina KZ Tandingan, Kim Chiu, AC Bonifacio, Donny Pangilinan, Belle Mariano, BGYO, BINI, Janella Salvador, Jane de Leon at iba pa.

Ito ang unang pagkakataon na magusu-show ang “ASAP Natin `To” sa nasabing lugar and their first live performance sa ibang bansa after the pandemic.

Excited si Zsa Zsa sa kanilang Vegas performance dahil madadalaw niya ang kanyang parents na roon naka-base.

Napakarami ng mga Filipino na naka-base sa Las Vegas including some celebrities tulad nina Lani Misalucha, Michael Laygo, Jobelle Salvador, Leni Santos at iba pa. Marami ring celebrities sa Pilipinas ang may bahay sa Vegas at kasama na rito ang mag-asawang former Senate President Tito Sotto at Helen Gamboa, Sen. Lito Lapid, couple Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo, Nash Aguas , Orly Ilacad among others.

Las Vegas is just a four-hour drive from Los Angeles, California.

Geneva

Geneva at Jeffrey nasa friend zone pero may pag-asa

BEST of friends lamang ang turingan ng dalawa sa original members ng “Smokey Mountain” na sina Geneva Cruz at Jeffrey Hidalgo na madalas magkasama sa mga beach outings at iba pang lakaran.

Sobrang napaka- close at comfortable nina Geneva at Jeffrey sa isa’t isa kaya madalas silang mapagkamalang magkasintahan.

Although nasa friend zone lamang ang dalawa, hindi rin imposibleng mauwi sa ibang level ang kanilang relasyon dahil pareho silang single ngayon.

Geneva has long been separated sa kanyang two ex-husbands na sina Paco Arespacochaga (with whom she has a son, Heaven na sa Amerika na rin naka-base) at KC Montero gayundin sa kanyang ex-fiance, ang Fil-Australian na si Lee Paulsen, ama ng kanyang bunsong anak na si London habang si Jeffrey ay nananatiling single hanggang ngayon.

Si Geneva rin marahil ang dahilan kung bakit hanggang ngayon ay hindi pa rin nag-aasawa si Jeffrey.

May mga nagsasabi pa na naghihintay lamang umano si Jeffrey ng tamang pagkakataon para ihayag ang kanyang saloobin kay Geneva.

Geneva’s late mother was very close to Jeffrey maging ang bunso ni Geneva na si London.

Meanwhile, Jeffrey is also a TV and movie director now kung saan siya nagpo-focus. Ito’y bukod pa sa kanyang pagiging chemical engineer at entrepreneur.

AngelicaAngelica1Angelica2

Angelica na-enjoy ang baby shower at preggy look pictorial

IN the next couple of weeks ay nakatakda nang isilang ng Kapamilya actress na si Angelica Panganiban ang first baby (girl) nila ng kanyang partner, ang Subic-based Australian businessman na si Gregg Homan.

Ang pagkakaroon ng baby ay katuparan ng pangarap ng Fil-Am actress na maging isang ganap na ina.

Baby girl ang magiging unang baby nina Angelica at Gregg pero wala pa silang ibinabahaging pangalan nito.

Naranasan din ng couple ang pagkakaroon ng baby shower party na dinaluhan ng malalapit na kaibigan ng aktres.

“Nangyari din sa buhay ko ang magkaroon ng sariling baby shower. Napakasarap sa pakiramdam ang makasama ang mga pamilya, kaibigan at kapamilya na tunay na masaya at naka-suporta sa pinakamahalaga at pinakapinangarap kong papel sa buhay ko. Napakadami namang nagmamahal sa amin.

“Sa aking Star Magic family, sa pagkulit sakin na masaya at kailangan ko ang baby shower sa life ko. SALAMAT sa pagbuo nito. Sa lahat ng nagpunta at nagpaabot ng pagmamahal. At siyempre sa lahaaat lahat ng bumuo para maging possible ang araw na ito,” shares Angelica in her Instagram.

Pagkatapos ng baby shower ay narasahan din ng actress ang magkaroon ng pictorial in her preggy look bago lumabas ang kanyang unang baby.

“Sails up! Happiness is on the way. Happiness made out of love,” pagbabahagi pa niya sa kanyang IG.

SUBSCRIBE, like, SHARE and hit the bell icon of “TicTALK with ASTER AMOYO” and “INSIDE SHOWBIZ with Aster Amoyo” on my YouTube channel. Follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and Twitter@aster_amoyo.

AUTHOR PROFILE