Marian

Zia, fully vaccinated na … balik-tambalang DongYan, posibleng simulan ngayong 2022

February 28, 2022 Ian F. Fariñas 485 views

FULLY vaccinated na ang panganay nina Marian Rivera at Dingdong Dantes.

Kwento ng Kapuso Primetime King sa kanyang Instagram kahapon, nag-drive through sila para sa ikalawang shot ni Zia kasama ang lima pang mga bata sa car pool.

Ito raw ay para makabawas sa pagsisikip ng trapiko at malimitahan ang bilang ng mga kotseng pumipila sa vaccination site.

Caption ni Dong sa series of photos na pinost sa IG, “It’s ate Z’s second shot today and we did it via drive through. We were with 5 other kids inside the van since we were encouraged to do car pooling to manage traffic and limit the number of cars on the vaccination site.

“Thank you Joy @wintergin11 and Via @tomono_273 sa pagsabay sa amin sa van and of course, shoutout to the brave friends of Zia — Audrey & Enzo, Gia, Mandy, Zoe, Lucas, Kimchi and Alana — batchmates na rin kayo sa bakuna!

“Everything went smoothly, may pa-pizza, balloons, at mascot pa! They really made sure that the whole process will be child-friendly and I think they did a good job!

“This might just be a regular fun playday for her but for me, I’m just glad that we’re slowly getting back up as a nation so we can slowly expose our children to the world again.

“Siyempre bilang tatay at magulang, importante sa akin na magkaroon ng mas malalim na pag-unawa ang mga anak ko sa nangyayari sa paligid nila. Kahit yung simpleng paglalaro at pagiikot sa iba’t ibang lugar ay napakahalaga. Magandang marami silang makita, matanong, makausap, at maramdaman.

“Keep safe, guys!”

Mismong pedia ni Zia ang nagturok ng bakuna sa kanya.

At dahil fully vaxxed na ang bagets, excited na itong bumalik sa eskwelahan gaya ng ibang mga kaklase niya.

Samantala, kahapon ay nagkaroon ng in-person contract signing ang Kapuso Primetime Queen na si Marian bilang celebrity endorser ng Kamiseta Skin Clinic sa BGC.

Dahil maliit ang venue, istriktong ipinatupad ang minimum health protocols para sa safety ng mga dumalong press and other guests.

Kung hindi kami nagkakamali, ito ang pinakaunang face-to-face event ni Marian mula nang mag-pandemya.

Feeling safe naman ang aktres dahil aniya, may swab test ang lahat bago ang event.

Excited nga raw si Marian at masaya sa tiwalang ibinigay sa kanya ng Kamiseta Skin Clinic owner na si Cris Roque.

Pangako ng aktres, bibitbitin niya doon ang mommy at lola niya, maging si Zia, para makapag-bonding sila sa pagpapaganda ngayong bakunado na silang lahat.

“Hindi ko naman sila i-e-endorse kung ’di ako nagtitiwala sa kanila,” katwiran niya.

Ibinalita rin ni Marian na may script na ang pagbabalik-tambalan nila ng mister na si Dingdong, ipa-finalize na lang ang cast at taping na lang ang hinihintay.

Posibleng simulan ang proyekto ngayong 2022, banggit pa ni Yan.

AUTHOR PROFILE