Ivana niregaluhan ng bagong bahay ang ina

March 1, 2022 Aster Amoyo 1434 views

TWENTY-five-year-old Filipina-Moroccan sexy actress, entrepreneur and top female YouTuber (with 15-M subscribers) Ivana Alawi (Mariam Sayed Sameer Marbella Al-Alawi) surprised her mother, Fatima Marbella with a brand new house. Matagal na niya itong pangarap gawin since she was a kid pero ngayon lamang niya naisakatuparan.

The third child of four siblings, si Ivana ay produkto ng reality talent search ng GMA, ang 6th season ng Starstruck in 2015 when she was 16. Although she only made it to the Top 22, she was signed up for talent management ng GMA Artists Center . But in 2018, she appeared in ABS-CBN’s “Precious Hearts Romances Presents: Araw Gabi” na pinagbidahan nina JM de Guzman at Barbie Imperial at kasunod na rito ang kanyang guest appearance sa “FPJ’s Ang Probinsyano” ni Coco Martin. Ito’y nasundan ng “Sino ang May Sala? Mea Culpa” na siyang nagbigay sa kanya ng best New Female award mula sa PMPC Star Awards for Television.

It was in 2019 nang simulan ni Ivana ang kanyang sariling YouTube channel na meron na ngayong 15M subscribers and growing.

Si Ivana ay ipinanganak sa Bahrain to a Moroccan father na si Samier Al-Alawi at Filipina mother na si Fatima Marbella.

Nang magkahiwalay ang kanyang parents, seven years old pa lamang si Ivana nang siya’y sumunod sa kanyang ina sa Pilipinas. Habang lumalaki siya ay pinangarap nitong mag-artista. Ivana turned 25 last December 25, Christmas Day .

Still loveless at 25, maraming supporters ang sexy actress at vlogger ang umaasa na sana’y ang crush nitong si Joshua Garcia ang kanyang maging boyfriend ngayong magkaibigan na ang dalawa.

MaggieMaggie at ex-husband civil sa isa’t isa

FORMER beauty queen, host, actress and commercial model Maggie Wilson has announced her separation last September 2021 from her ex-husband, businessman Victor Consunji with whom she has a ten-year-old son, Connor. Pero ang maganda sa dalawa, they’ve remained good friends and co-parenting their only child.

Sa recent 10th birthday celebration ni Connor ay naroon pareho ang kanyang parents.

Ang dating mag-asawang Maggie at Victor ay dalawang beses ikinasal. Una sa isang beach in Albay at pangalawa sa church nung December 18, 2010. Two years later ay isinilang ang kanilang kaisa-isang anak na si Connor.

Si Maggie ay naging Bb. Pilipinas-World nung 2007 when she was 17 years old. She is going to celebrate her 33rd birthday sa darating na March 15.

PaoloKiko pinalitan ni Paolo sa ‘Darna’

IS Kiko Estrada out of “Darna” TV series?

Lumalabas sa balita na wala na umano sa serye na pinagbibidahan ni Jane de Leon ang binata ng actor na si Gary Estrada at ito’y pinalitan ni Paolo Gumabao.

In “Darna,” Paolo will play the role of Noah Ballesteros which was originally intended for Kiko.

Si Paolo ay ipinanganak sa Amerika pero siya’y lumaki in Taiwan. He was legally adopted by his Taiwanese stepfather at ang kanyang pangalan sa Taiwan ay Paul Chen. Inakala noon ni Paolo na si Mr. Chen ang kanyang totoong ama because he treated him like his own son. It was only later nang nalaman niya na ang kanyang biological father ay ang veteran actor na si Dennis Roldan at half brother niya ang Viva actor na si Marco Gumabao.

Paolo was sixteen nang gawin niya ang pelikulang “The Firefighters: The Unsung Heroes.”

Si Paolo ay nasa pangangalaga ngayon ng Star Magic ng ABS-CBN. Huli siyang napanood sa primetime TV series na “Huwag Kang Mangamba” at sunud-sunod din ang kanyang paggawa ng sexy movies sa Viva Films tulad ng “Sisid” na dinirek ni Brillante Mendoza at “Silip sa Apoy” ni Mac Alejandre. Both movies were shown on Vivamax streaming app.

JoshuaZaijanJoshua ayaw magpadikta pagdating sa lovelife

PAREHONG may tumatakbong hit primetime TV series ngayon sina Joshua Garcia at Zaijian Jaranilla. Si Joshua ay napapanood sa “Viral Scandal” bilang leading man ni Charlie Dizon habang si Zaijian naman ay nasa “The Broken Marriage Vow” where he plays the son of couple played by Jodi Sta. Maria and Zanjoe Marudo.

Loveless pa rin hanggang ngayon ang 24-year-old ex-PBB housemate-turned actor na si Joshua after his break-up with his ex-girlfriend na si Julia Barretto in 2019. Pero pinamimili siya ng kanyang fans kina Jane de Leon, Charlie Dizon at ang sexy actress and top YouTuber na si Ivana Alawi. Sa halip na magpadikta sa ibang tao, mas susundin niya kung sino ang tinitibok ng kanyang puso.

Twenty years old na ang dating child star na si Zaijian na hindi pa nagsi-share kung may girlfriend na itong bago after his break-up sa kanyang non-showbiz girlfriend na si Dian Anes.

Glaiza at David pinaghahandaan na ang kasal sa Pilipinas

NASA bansa ngayon ang Irish businessman husband ng Kapuso singer-actress na si Glaiza de Castro na si David Rainey. The couple got married in Northern Ireland, United Kingdom nung nakaraang October 12, 2021 pero ang kanilang church wedding ay magaganap dito sa Pilipinas.

Last Sunday, February 27 ay kasama ni Glaiza ang kanyang husband na dumalo sa 6th Film Ambassadors’ Night (FAN) na ginanap sa newly-renovated na Metropolitan Theater kung saan isa siya (Glaiza) sa mga awardees para sa pelikulang “Midnight In A Perfect World” na dinirek ni Dodo Dayao. It was the first official face-to-face event na dinaluhan ng mag-asawang Glaiza and David as a couple.

Samantala, pinagkakaabalahan ngayon nina Glaiza at David ang preparation ng kanilang church wedding.

Subscribe, like, share and hit the bell icon of “TicTALK with Aster Amoyo” on my YouTube channel. Follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and Twitter@aster_amoyo.

AUTHOR PROFILE