Zephanie Larawan mula sa IG/@zephanie

Zephanie, pamilya naaksidente

November 9, 2023 People's Tonight 227 views

NAGTAMO umano ng physical at emotional injuries ang singer-actress na si Zephanie Dimaranan at kanyang pamilya sa isang car accident.

Sa isang Instagram post, ibinahagi ng singer ang larawan ng kanilang kotse kung saan makikitang yupi ang likod na bahagi nito.

Ligtas naman si Zephanie at ang kanyang pamilya pero patuloy silang nagpapagaling mula sa mga natamong damage.

“Despite what happened to me and my family, I still praise God. It was a miracle that none of us got hurt badly. To all the people who helped and prayed for us, I thank God for your lives, you know who you are,” saad ni Zephanie sa caption ng kanyang post.

“Still in the process of healing emotionally and physically but it won’t stop me from living life the best way possible. This is a testimony of how great our God is. I love you all and He loves you more,” dagdag pa niya.

Nagpaabot ng mensahe ang ilang netizens mula sa aksidenteng kinasangkutan ng singer.

“Glad you’re safe now. Always take care bb.”

“Thank God at hindi grabe nangyare sainyo. Virtual hugs fam.”

“Masaya kami na safe ka, mahal ka namin mag iingat ka palagi.”

AUTHOR PROFILE