Tiktok

TIKTOK STAR OF THE DAY

November 9, 2023 People's Tonight 225 views

Tiktok1Tiktok2Tiktok3Tiktok4THE word ‘angelic’ is not only in her name but in her beauty too. Ang rising TikTok star na si Angelica ay hindi papakabog pagdating sa pagbibigay contents sa nasabing social media platform.

Si Angelica Vallente o kung minsan ay kilala ng kanyang mga social media followers bilang “Gelicav” ay isang TikTok sensation at content creator na sumasabay sa pamamayagpag ng iba sa nasabing social media platform.

Sa kasalukuyan, ang TikTok star ay mayroong higit 225 thousand followers at 4.3 million likes sa kanyang account na may username na @gelicaaav. Bukod pa rito, sinusubaybayan din ng netizens ang dalaga sa account niya sa Instagram na may username na @gelicav, na mayroon nang halos 25 thousand followers sa kasalukuyan. Kabog din ang social media presence ng dalaga sa Facebook. Ang kanya ngang page ay mayroong higit 13 thousand followers ngayon.

Ibinabandera ng TikTok star ang kanyang angking ganda, perfect body, lip syncing skills, lifestyle contents, pagiging fashionista, at higit sa lahat ang kanyang husay sa pagsayaw sa kanyang social media dahilan para magningning ang kanyang ngalan.

Bukod sa paggawa ng fashion contents, marami ring ine-endorse na produkto si Angelica mula sa mga affiliate brands sa TikTok.

Todo flex din si Angelica sa kanyang lovelife. Karamihan sa kanyang viral videos ay kasama ang kanyang nobyo at ang kanilang mga nakatutuwang moments.

Hindi maipagkakailang unti-unting nakikilala ang ngalan ni Angelica sa mundo ng social media bilang digital creator at ilan sa mga ebidensiya nito ang umaagos na suporta sa kanya ng mga tagahanga at mga brand partners ng dalaga.

AUTHOR PROFILE