Ria

Zanjoe, suportado ang pagbibilad ng kaseksihan ni Ria

January 17, 2023 Ian F. Fariñas 310 views

SUPORTADO si Ria Atayde ng boyfriend na si Zanjoe Marudo sa pagpapaseksi niya bilang 2023 White Castle Whisky calendar girl.

Ito ang siniguro ng nakababatang kapatid ni Cong. Arjo Atayde at anak nina Sylvia Sanchez at Art Atayde sa press kahapon nang pormal siyang ipakilala ng Destileria Limtuaco officials bilang bagong miyembro ng kanilang pamilya sa kanilang ika-60th year.

Actually, hindi lang daw si Zanjoe ang sumusuporta kay Ria kundi ang kanilang buong pamilya.

Nagbigay pa nga raw ng ilang ideya si Cong. Arjo tungkol sa magandang layout ng kalendaryo.

Hindi isyu sa Kapamilya actress ang pagpo-pose niya nang seksi sa White Castle calendar dahil gaya niya, champion din ng body positivity ang Destileria Limtuaco.

Katwiran pa ni Ria, sa pamamagitan ng kalendaryo, naibabahagi nila ang mensahe na ang pagiging sexy ay wala sa pigura kundi nasa kumpiyansa at pagiging kumportable sa sarili.

“Beauty comes in countless forms, shapes and sizes. At this day and age, hindi pwedeng ikahon ang kagandahan,” patuloy niya.

“Honored ako at ako ang napili bilang White Castle Whisky Girl as the brand allows and supports me in my advocacy to empower each and every woman to embrace her femininity and celebrate her body.”

Sabi pa ni Ria, pwede namang maging sexy at wholesome ang isang babae. Hindi raw kailangang maghubad o magpakita ng sobrang skin para maging sexy.

Disbelief ang una niyang naramdaman nang matanggap ang offer na gawin ang 2023 calendar dahil ani Ria, “Big girls don’t usually get the chance to do something like this and here we are… It’s about embracing your body, flaws and all. Kaya ko pala! It reinstilled confidence in myself also.”

Hindi man nakasakay sa puting kabayo at nakasuot ng pulang bikini tulad ng nakasanayan nang imahe ng White Castle Whisky Girl, hindi pa rin naman pahuhuli ang glamorous calendar layouts ni Ria sa predecessors niyang sina Evangeline Pascual, Lorna Tolentino, Tetchie Agbayani, Carmi Martin, Maria Isabel Lopez, Cristina Gonzales, Glydel Mercado at Roxanne Guinoo.

AUTHOR PROFILE