Almeda

Chris Brown, bumilib sa Almeda twins

January 17, 2023 Ian F. Fariñas 3473 views

Kakaibang talent ang ipinakita ng Almeda twins na sina Kitty at Kakai sa viral TikTok video nila kamakailan.

Ipinamalas nila ang kanilang galing sa pagsasayaw ng Wet the Bed ni Chris Brown habang nag-i-exercise sa treadmill.

Ang international singer na si Brown mismo ay pinabilib nnla Kitty at Kakai.

Ni-repost pa nga niya sa Instagram Story niya ang nasabing exercise video.

Sa caption, sinabi ni Brown na, “This fire.”

Hindi lang si Chris Brown ang namangha sa viral TikTok video.

Umani rin sa naturang app ng 13.2 million views ang pinag-usapang treadmill dance nina Kitty at Kakai.

AUTHOR PROFILE