Zaijan

Zaijian gustong maging direktor sa pelikula

January 15, 2022 Aster Amoyo 158 views

BINATA na ang dating child actor na si Zaijian Jaranilla, who started his acting career when he was seven sa now-defunct kiddie gag show na “Goin’ Bulilit”.

Now 20 years old, the young actor admitted na hiwalay na sila kamakailan lamang ng kanyang non-showbiz girlfriend of more than one year na si Dian Anes.

Hindi ikinakaila ni Zaijian na hanggang ngayon ay ina-associate pa rin siya ng mga tao sa kanyang character as Santino in the religious themed TV drama series na “May Bukas Pa” in 2009 at nagtapos nung 2010.

Bukod sa “May Bukas Pa,” ang young actor ay nakagawa ng iba pang inspirational TV series tulad ng “Lorenzo’s Time” at “Hawak Kamay”.

Marami naman ang pinahanga ni Zaijian nang gawin niya ang digital comedy movie na “Boyette: Not A Girl Yet” where he played the title role ng isang flamboyant gay teen na dinirek ni Jonathan `Jumbo’ Albano. The movie was streamed on digital platform nung November 2020.

Sa pagpasok ng bagong taon ay mapapanood siya sa dalawang magkahiwalay na major TV projects, ang “The Broken Marriage Vow” na Philippine adaptation ng hit BBC TV series na “Doctor Foster”. Sa nasabing serye ay gagampanan niya ang papel ni Gio Ilustre, ang kaisa-isang anak ng mag-asawang Dr. Jill Ilustre at David Ilustre na magkahiwalay na ginagampanan nina Jodi Sta. Maria at Zanjoe Marudo. Habang papel ni Ding naman ang kanyang role sa TV remake ng “Mars Ravelo’s Darna: The TV Series” with Jane de Leon sa title role.

Hindi ikinakaila ni Zaijian na sobra umano siyang relate sa kanyang character as Gio in “The Broken Marriage Vow” dahil produkto rin siya ng broken family. He and his three siblings were very young nang maghiwalay ang kanyang parents na sina Zenon Jaranilla at Glendelle Lara. Lumaki umano sila sa pangangalaga ng kanilang ama at lolo.

Hindi naman ikinakaila ni Zaijian na interesado umano siyang maging director balang araw at inspired umano siya sa pelikulang “Birdshot” na dinirek ni Mikhail Red.

PilitaPilita1Isang kalye sa Australia ipinangalan kay Pilita

NATUTUWA ang fans ng yumaong movie king and national artist, ang legendary movie icon na si Fernando Poe, Jr. sa pagbibigay-pugay sa kanya sa pamamagitan ng pagpapalit ng pangalan ng Roosevelt Avenue in Quezon City sa kanyang pangalan matapos lagdaan ni Pres. Rodrigo Duterte ang Republic Act No. 11608 last January 13, 2022, bilang pagpapatibay nito.

Samantala, marami ang hindi nakakaalam na ang isang kalye sa Melbourne, Australia ay ipinangalan sa Asia’s Queen of Song at OPM icon na si Pilita Corrales na unang sumikat sa Australia in 1959 to early 60’s bago rito sa Pilipinas at maging sa ibang bansa. Pilita was only in her early 20’s at that time. Si Pilita ay kasama noon ng American-actor-magician na si John Calvert sa yacht nito kasama ang ilang mga hayop at performers for a series of shows in Singapore at Australia. Isa si Pilita sa mga performers sa show ni John. On their way (sailing) to Australia ay nakasagupa nila ang bagyo at halos mawasak ang kanilang sinasakyang yate. Masuwerte naman ay sila’y naisalba ng Australian navy at sila’y buhay na nakarating ng Australia. It was big news in Australia.

Ang pagiging bahagi ni Pilita ng show ni John Calvert ang nakakuha ng pansin sa Australian audience hanggang ito’y maging recording at TV star in Melbourne, Australia. She had guested in almost all popular shows in Australia at kasama na rito ang “Club 7” at “In Melbourne Tonight” hosted by King of Australian TV na si Graham Kennedy at Bert Newton. Natuwa ang Australian audience sa napakaganda at napagaling na foreign singer na kayang kumanta in English, Spanish at Filipino. There was even a time na siya’y pinag-agawan ng dalawang major TV stations in Australia, ang Channel 7 at Channel 9. She was also signed up by Astor Records and came up with her hit single na “Speak Low” and album na “Pilita Tells The Story of Love”.

Si Pilita rin ang kauna-unahang female artist in Australia to score a hit sa bagong established noon na pop chart sa pamamagitan ng kanyang hit song na “Come Close To Me”. She was not just popular in Melbourne but the entire Australia and she toured other places including Sydney, Adelaide, Hobart and in regional Victoria. Ang kalyeng Pilita ay matatagpuan in Forest Hill, Victoria.

Kahit sa Melbourne na noon naka-base si Pilita with her family, nag-desisyon silang bumalik ng Pilipinas in 1963 where she continued her career.

PaoloPaolo1Paolo gustong gumawa ng pelikula kasama ang kapatid na si Marco

HINDI ikinakaila ng 23-year-old Kapamilya actor na si Paolo Gumabao na pareho nila gusto ng kanyang nakatatandang half-brother na si Marco Gumabao (27) na magsama sa isang proyekto either sa telebisyon o pelikula. Ang dalawang young Gumabao ay mga anak ng veteran actor at dating kongresista na si Dennis Roldan. Sa dalawa, mas nauna sa showbiz si Marco habang si Paolo ay halos nung isang taon lamang nakilala nang kanyang gawin ang napaka-daring niyang pelikula, ang “Lockdown” na dinirek ng premyadong director na si Joel Lamangan. Ang nasabing pelikula ang nakapag-bigay sa kanya ng kanyang kauna-unahang acting award, Best Actor mula sa 28th Filipino International Cine Festival in San Francisco, California, USA . Ang nasabi ring pelikula ang tinanghal na Best Film at Best Director para kay Direk Joel.

Napanood din si Paolo sa hit primetime TV series na “Huwag Kang Mangamba”.

Si Paolo ay muling mapapanood sa isang BL movie, ang ‘Sisid’ kasama si Vince Rillon, ang dating beauty queen-turned actress na si Kylie Verzosa at new sexy star Christine Bermas mula sa direksiyon ng Cannes Best Director na si Brillante `Dante’ Mendoza.

“Napaka-suwerte ko na dalawang premyadong director kaagad ang nakatrabaho ko,” bulalas ni Paolo na hindi nagdalawang-isip na gawin ang mga intimate scenes nila ng dating indie actor na si Vince Rillon.

Nagpapasalamat din si Paolo na kahit nasa pangangalaga siya ng Star Magic (ng ABS-CBN) ay binibigyan siya ng proyekto ng Viva Films.

Nag-reach out umano siya kay Vince nang malaman niya ang mga gagawin nilang eksena sa ‘Sisid’ para pareho silang maging kumportable sa isa’t isa. Pinuri naman ni Direk Dante (Mendoza) ang husay at pagiging professional ng kanyang mga artista.

Ang pelikulang “Sisid” na nakatakdang ipalabas sa Vivamax ngayong January 19 ay pangalawang movie na bale ni Direk Brillante sa bakuran ng Viva. Nauna nang ipinalabas ang “Palitan” last December 10 na tinampukan naman nina Jela Cuenca, Cara Gonzales, Luis Hontiveros at Rash Flores.

Subscribe, like, share and hit the bell icon of “TicTALK with Aster Amoyo” on my YouTube channel. Follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and Twitter@aster_amoyo.

AUTHOR PROFILE