Geneva

Netizen, supalpal kay Geneva!

January 14, 2022 People's Tonight 67 views

KULANG daw sa pansin si Geneva Cruz kaya naman todo post siya sa kanyang social media accounts ng litrato niyang pati cleavage ay ipinapasilip, huh!

Kesa tumahimik, sinupalpal ni Geneva ang netizen sa komentong ito.

Bahagi ng banat ni Geneva, “I please myself not you or anyone else, thank you.”

Eh, kahit 45 years na si Geneva, hot momma pa rin siyang maituturing sa fitness goals niya, huh!

Anyway, nagbabalik-akting ang singer sa Kapuso afternoon series na Little Princess at si Angelika dela Cruz ang makakabangga niya sa mga eksena.

WENDELL, NAGSAKRIPISYO

BABAE ang bagong silang na anak ni Wendell Ramos sa asawa niyang si Kukai Guevarra.

Nasa lock-in taping si Wendell ng Kapuso afternoon series na Prima Donnas 2 nang manganak ang asawa niya.

Bale ikaapat na nilang anak ang bata na Maddie ang name.

Isinakripisyo ng aktor ang panahong hindi kasama ang asawa nang manganak ito.

Bahagi ng post niya sa Instagram, “But with God’s grace, everything is somehow easier for me. I am grateful for this work and the people I am with.” Ni Jun Nardo

AUTHOR PROFILE