Beauty Larawan mula sa IG/@beauty_gonzalez

Yummy kahit may hubby

February 2, 2024 People's Tonight 132 views

PETMALU ang lakas ng makatulo-laway na sex appeal ng aktres na si Beauty Gonzalez-Crisologo.

Sa kanyang Instagram page nitong Huwebes, February 1, ibinandera ng ‘Stolen Life’ actress ang kanyang flawless body.

Suot ni Beauty ang isang fuchsia pink one-piece swimsuit habang todo-ngiti sa kantang pag-pose.

Hindi lang beauty ng aktres ang angat sa nasabing larawan dahil ang makikinis na pisngi at tambok ng wetpaks niya ay tila naging pampagana para sa mga barako.

Malakas pa rin ang dating ni Beauty sa mga anak ni Adan. Hindi pa rin nawala ang kanilang pantasya sa aktres kahit na may sarili na itong pamilya.

Samantala, matatandaang inamin noon ng aktres sa isa ring IG post suot-suot din ang isang very revealing swimwear, na para sa katulad niyang probinsyana ay medyo nakakatakot magsuot ng revealing na disenyo ng swimwear.

“These modern swimwear designs are sometimes a bit scary for a provincial girl like me, but with a little encouragement I guess I’m happy to try it once,” sey ni Beauty.

Paalala rin ng aktres na ang pagsusuot niya ng very revealing swimsuit ay hindi inirerepresenta ang buo niyang pagkatao, ibinabahagi lamang niya sa moment na iyon ang isang bersyon ng kanyang sarili.

“I know this photo will be seen far beyond this room, but photos are just photos, they have a slight disconnect with reality, a little bit like acting, it’s not entirely you. Just a version of you to present to the world for that one moment,” pahayag ng ‘Stolen Life’ actress.

AUTHOR PROFILE