Andrea Andrea Torres

Andrea pagkatapos ng pelikula sa Argentina nagbakasyon sa Australia

February 3, 2024 Aster Amoyo 160 views

HABANG wala pang ginagawang bagong teleserye, nagbakasyon muna sa Australia si Andrea Torres kasama ang kanyang pamilya.

Ito raw kasi ang pagkakataon ng aktres to spend quality time kasama ang kanyang pamilya dahil naging sobrang busy siya noong 2023.

Bukod sa ‘Love Before Sunrise,’ kasama rin si Andrea sa fantasy portal drama series na ‘Maria Clara at Ibarra’ bilang si Sisa.

Kasama sa kanilang bakasyon ang pagbisita nila Andrea sa kanyang kapatid na si Kevin Torres na naka-base na sa Australia.

Sa mga na-share ni Andrea na vacay photos nila, pumunta sila sa Newton, Sydney kunsaan pinasyalan nila ang mga magagandang tourist spots tulad ng parks, bookstores, museums, restaurants at flower shops.

This coming February 14, Valentines Day, ipapalabas sa Pilipinas ang pelikulang ginawa ni Andrea sa Argentina na may title na ‘Pasional.’

Noong July 2023 pinalabas ang ‘Pasional’ sa mga sinehan sa Argentina.

Kasama rito ni Andrea ang top actor ng Argentina na si Marcelo Melingo na lumabas sa mga Spanish telenovelas na Ilusiones, Cabecita, Casa Natal, Dr. Amor at La Hermana Mayor.

Ang ‘Pasional’ din ang final film ng veteran Filipino theater actor na si Miguel Faustmann na pumanaw noong 2022.

Bea pinaghahandaan ang pagkikita nila ni Carla

Bea
Carla Abellana at Bea Alonzo

EXCITED na ang Kapuso actress na si Bea Alonzo para sa nalalapit na thriller-mystery series nila na ‘Widow’s War’ ngunit aminado ang aktres na nakakaramdam rin siya pressure mula sa dito.

“This will be a spin off of the well-loved series Royal Blood and Widow’s Web so medyo nakaka-pressure kasi minahal talaga siya ng mga manonood,” sey ni Bea.

Dagdag pa ni Bea ay pinaghahandaan na niya ito sa pamamagitan ng paggawa ng character background at graph para sa role na gagampanan niya.

“I know that kami ni Carla (Abellana) will meet because ‘yung characters namin are supposed to be best friends.”

Kuwento rin ni Bea na kaabang-abang ang mga “plots within the plots” ng kanilang upcoming serye.

Ayon sa aktres, “I’m very excited na parang bawat character may plot na susundan ng tao, hindi lang ‘yung main character.”

Hale nagbabalik sa music scene

MATAPOS ang anim na taon, nagbabalik sa music scene ang bandang Hale, at mayroon silang bagong single.

Espesyal sa grupo ang 2024 dahil bukod kasi na ito ang taon ng opisyal na pagbabalik nila sa music scene, ipagdiriwang din nila ang ika-20 taon nila sa industry.

Ang bago nilang kanta na “Klaro,” ay mula raw sa inspirasyon nila sa kanilang fans, asawa, o special someone.

Ayon sa grupo, nais nilang maka-collaborate si Julie Anne San Jose, na isang amazing musician, para kay Roll Martinez na guitarist ng Hale.

Kabilang sa mga hit song ng Hale ang “The Day You Said Goodnight”, “Kahit Pa”, “Kung Wala Ka,” “Broken Sonnet”, at “Blue Sky.”

AUTHOR PROFILE