Xian

Xian, tinawag na ‘my person’ si Kim

April 19, 2022 Ian F. Fariñas 710 views

KimCOUPLE goals para sa netizens ang real-life pair na sina Xian Lim at Kim Chiu. Ilang taon na ring hinahangaan ang pag-aalaga ng aktor sa GF mula sa kanilang trips abroad kung saan siya ang nagtutulak ng kanilang mga maleta hanggang sa birthday surprises niya na talaga namang paandar ang level.

Kahapon, marami na naman ang kinilig sa mensahe ni Xian kay Kim na nagdaos ng kanyang 32nd birthday.

Sa Instagram, nag-post ang katambal ni Glaiza de Castro sa Kapuso series na False Positive ng isang video collage ng kanilang sweet moments ni Kim sabay lagay sa caption na, “To my person that makes my heart beat faster and slower at the same time. To my person that genuinely thinks of others before herself. To my person that loves unconditionally and is naturally born with a kind heart. To my person, to my always, happiest birthday! Millions of people love you. I love you and I’m crazy about you. Enjoy your day love. Breathe, slow down, cherish the moment.”

Sinagot siya ni Kim sa comment section ng, “Awww, thank you!”

Kung pagbabatayan ang sagot ni Xian tungkol sa pakikipagrelasyon sa katatapos na virtual mediacon ng False Positive, mukhang seryoso na nga ang relasyon nila ni Kim at kulang na lang ay ang marriage proposal.

Anang aktor, “Sa lahat ng mga kabataan na nakikinig, I personally believe na after all has been said and done, love is a choice and kailangan after the infatuation phase, I mean, after the honeymoon stage, pagkatapos ng lahat ng ’yan, it’s gonna boil down to choice. And dapat lang you’re in it for the long run or dapat ngayon pa lang maging klaro na kayo or maging klaro na ’yung boy and girl. If this is just for fun, I mean, kasi there’s nothing wrong with that if that’s what both of you, guys, are looking for. Pero be clear in your mind na parang stop wasting your time. If it’s pabanying-banying lang, let it be pabanying-banying lang.

“But if you want something that will last, you have to work at it every single day, ’di ba? I think ang nagiging trap din sa couples, nagiging petiks, eh. They fall into the comfort stage or nagiging kumportable sila sa isa’t isa that they forget na parang they fall into a trap like they won’t grow anymore at na-stuck sila, naging stagnant na ’yung relationship.

“So, make sure you, guys, are always growing and make sure that you inspire each other to be a better person every single day.”

Siyempre, agree rito ang bagong kasal namang si Glaiza na nagsabi na sobra siyang nag-enjoy katrabaho si Xian sa una nilang team-up na False Positive.

Mula sa direksyon ni Irene Villamor, ang bagong TV series at mapapanood weeknights sa GMA Network simula May 2.

AUTHOR PROFILE