Ajvince

‘Scorpio Nights’ ni AJ, sinalo ni Christine

April 19, 2022 Vinia Vivar 1657 views

Kumpirmadong hindi na nga si AJ Raval ang magbibida sa Scorpio Nights 3 ng Viva Films. Inamin ng sexy star na tinanggihan na niya ang naturang proyekto dahil may balak siyang ipagpatuloy ang pag-aaral ngayong taon.

“Plan ko po is mag-enroll ako this year. Parang magla-lie low muna ako sa pagpapa-sexy. Mag-aaral din muna ako,” pahayag ni AJ sa virtual mediacon ng upcoming movie niya sa Vivamax na Kaliwaan.

Si AJ ang first choice ni Boss Vic del Rosario para sa remake ng classic 1985 film ni Peque Gallaga na pinagbidahan nina Anna Marie Gutierrez at Daniel Fernado.

Nagkaroon ito ng remake noong 1999 starring Albert Martinez and Joyce Jimenez.

Dahil nga tinanggihan ito ni AJ, kay Christine Bermas na ibinigay ang role.

Ayon kay AJ, magagawa pa rin sana niya ang movie kung medyo napaaga ang filming schedule.

“Kung nagawa po siya ng earlier, like this month, siguro sa akin pa rin po siya,” she said.

“Grateful po ako na para sa akin ang Scorpio Nights kasi nag-i-start pa lang po ako sa Viva, ‘yun na rin po ang pinag-uusapan. Pornstar Paglaki Ko, Gusto Kong Maging Porn Star pa lang po, Scorpio Nights na po ang pinag-uusapang gagawin.

“Malungkot din po ako na parang isa po ang Scorpio Nights sa pagsa-sacrifice ko po ngayon dahil po may mga plan po ako this year katulad po ng pag-aaral ko,” dagdag pa ni AJ.

Inamin din ng aktres na isang factor nga rin ‘yung gusto na rin niyang magbawas sa pagpapa-sexy.

“Napag-usapan na rin po naman ‘to namin ng manager ko Jojo Veloso, ng Viva, actually. Gusto ko po talagang mag-action,” aniya pa.

Pero nilinaw naman niyang hindi siya titigil totally sa paggawa ng sexy films dahil dito siya nakilala ng mga tao.

“Ang pagpapa-sexy po naman sa akin, nae-enjoy ko po siya, natutuwa po ako na naa-appreciate ako ng mga tao, lalo na pag tinatawag kaming ‘Pantasya ng Bayan.’ Masaya po ako na nagpapa-sexy po ako at hinding-hindi ko na po bibitawan ang pagpapa-sexy.

“Siguro po, ’pag nagpa-sexy po ako ngayon, gusto ko po ‘yung meaningful. Like kunyari po, depende pa rin sa story, sa twist ng story. ‘Yung meaningful po talaga. Parang, kumbaga, kung magpapa-sexy po ako, ‘yung may katuturan po.

“Hinding-hindi ko po bibitawan ang pagpapa-sexy. Masaya po ako do’n at do’n ako nakilala ng mga tao,” pahayag ni AJ.

Sinigurado ng sexy star na hindi Kaliwaan ang last sexy film niya pero magpapahinga raw muna siya sa ngayon sa pagpapa-sexy.

Ang Kaliwaan ay streaming na sa Vivamax sa April 29.

Ito ay mula sa direksyon ni Daniel Palacio at produced by internationally acclaimed and multi award-winning director Brillante Mendoza.

Kasama rin sa cast sina Vince Rillon, Mark Anthony Fernandez, Denise Esteban, Felix Rocco at Juami Gutierrez.

AUTHOR PROFILE