Default Thumbnail

Wanted sa Tondo, nasukol sa Cavite

June 6, 2022 Jonjon Reyes 296 views

SA pinagsanib na puwersa ng Manila Police District (MPD) at Cavite PNP (Philippine National Police) natunton ang matagal ng pinaghahanap ng batas matapos maaresto sa Cavite City, kung saan dito siya nagtago kamakailan.

Nalambat ang wanted na suspek na taga Bgy. Tondo sa Maynila matapos inguso ng isang impormante.

Batay sa ulat ni P/Lt. Col. Rosalino Ibay Jr., commander ng MPD-Special Mayor Reaction Team (SMaRT), bandang 3:15 ng hapon nitong nakaraang Biyernes sa pangunguna ni P/Maj. Edward Samonte ng MPD-SMaRT at sa pakikipagtulungan ni P/Lt. Col. Gilbert Cruz ng Cavite Police nang tuluyang arestuhin ang suspek sa Lupang Banal Bgy. 6, Cavite City na kung saan napabilang ito sa most wanted.

Inihain sa suspek ang warrant of arrest na inisyu ni Presiding Judge Jaqueline S. Martin-Balictar ng Regional Trial Court Branch 9 na may petsang Mayo 16 , 2022, dahil sa 2 counts of theft.

AUTHOR PROFILE