Default Thumbnail

Ina nakitang nakabigti matapos umiyak ang anak

June 6, 2022 People's Tonight 264 views

NADISKUBRENG nakabigti ang isang 28-anyos na babae sa loob ng bodega ng kanilang tahanan sa Quezon City, matapos pumalahaw ng iyak ang kanyang dalawang taong gulang na anak nitong Linggo ng umaga.

Ang biktima ay residente ng Mapang-akit St., Brgy.Pinyahan, Quezon City.

Sa report ng Criminal Investigation and Detection Unit ng Quezon City Police District (CIDU-QCPD), bandang 10:30 a.m. (June 5) nang madiskubre ang bangkay ng biktima sa loob ng bodega ng tahanan nito sa nasabing barangay.

Batay sa imbestigasyon ni PCpl Jojo Antonio, kagigising lamang umano ng pamangkin ng biktima nang mapansin niyang umiiyak ang lalaking anak ng kaniyang tiyahin.

Agad niyang hinanap ang kaniyang tiyahin hanggang makita niya ito sa storage room na nakabulagta, may tali sa leeg at wala nang buhay.

Agad na humingi ng saklolo ang pamangkin sa kanilang mga kasama sa bahay at inireport ang insidente sa mga awtoridad.

Ayon sa SOCO Team na pinamumunuan ni PMSg GODFREY LUSTADO, wala namang nakitang mga sugat o pasa sa katawan at tanging ang marka lamang ng pagkakasakal sa leeg na siyang ikinamatay ng biktima.

AUTHOR PROFILE