Posas

Wanted sa panghahalay timbog sa Quezon

October 15, 2023 Jojo C. Magsombol 120 views

KAMPO HENERAL Miguel Malvar, Batangas–Arestado ang isang 23-anyos na lalaki na suspek sa panghahalay sa Bgy. San Pedro 1, Guinayangan, Quezon noong Biyernes.

Residente ng nasabing bayan ang naaresto, ayon sa report ni Batangas Police Provincial Director Col. Samson Belgica Belmonte kay Police Regional Office 4-A chief Police Brigadier General Paul Kenneth Lucas.

Nahuli ang suspek nang magsagawa ng operasyon ang mga tauhan ng Padre Garcia Municipal Police Station (MPS) at Guinayangan MPS kasama ang Batangas Maritime Police Station noong Oktubre 13 sa Bgy. San Pedro 1, Guinayangan, Quezon.

Ayon sa report, suspek ang naaresto sa panghahalay sa babaeng biktima na nakatira sa Padre Garcia, Batangas noong Nobyembre 2022.

“Aking binibigyang papuri ang mga tauhan ng Padre Garcia MPS sa pagkakahuli sa suspek,” sabi ni Belmonte.

AUTHOR PROFILE