Default Thumbnail

Wanted na chef sa VAWC, nadakip sa Cabanatuan ng MPD

March 6, 2023 Jonjon Reyes 346 views

INARESTO ng mga operatiba ng District Police Investigation Operation Unit (DPIOU) ng Manila Police District (MPD) ang isang 36-anyos na chef dahil sa paglabag sa “Anti-Violence Against Women and Their Children Act” sa loob mismo ng isang restaurant sa Gatan Village, Burgos Avenue, Good Samaritan, Cabanatuan City, Sabado ng gabi.

Ayon kay Police Colonel Samuel Pabonita, hepe ng District Investigation Unit ng MPD, inihain ang arrest warrant sa suspek, cook, ng Makatbong, Cabanatuan City.

Batay sa ulat ni P/Capt. Rufino Casagan, hepe ng DPIOU, kasama nito si PMS Redentor Quilala, at ilan nitong tauhan nang magtungo sa nasabing lugar.

Matapos matunton sa pinapasukang restaurant ng suspek, dito na dinakip ang suspek sa bisa ng arrest warrant na inisyu ni Presiding Judge Bienvenido Barrios Jr. ng Regional Trial Court, Branch 13 ng Kalibo, Aklan na may petsang Marso 3, 2023.

Kinakaharap ng suspek ang kasong paglabag sa Republic Act (RA) No. 9262 “Violence against women and their children” (VAWC) Law.

Inakala ng mga operatiba sa kanilang paghahanap na nasa Lungsod ng Maynila lamang nagtatago ang suspek ngunit nahanap rin ito sa

pinaigting na pagpapakalat ng kanyang mandamiento de arresto sa iba pang ahensiya at lalawigan. Inirekomenda ng hukuman ang piyansang P72,000 sa pansamantalang paglaya ng suspek.

Dahil na rin sa pinaiiral ng pulisya na “Manhunt Charlie” at ang programa ni “The Game Changer General” MPD Director P/Brigadier Gen. Andre P. Dizon, ang “Oplan Galugad” at Simultaneous Anti-Criminality Law Operations (SACLEO) na ipinapatupad ng mga operatiba.

AUTHOR PROFILE