morethanblue

Vivamax, bigatin ang movie releases sa 4th quarter ng 2021

October 10, 2021 Ian F. Fariñas 752 views

Barumbadings… 1 milyon na ang subscribers sa 71 global territories

Sa loob lamang ng siyam na buwan, ang Vivamax, na hawak ng Viva ay umabot na sa 1 million subscribers, kaya naman ito na ang fastest-growing streaming platform sa Pilipinas.

Nagsimula ang streaming service sa Pilipinas at ’di nagtagal ay umabot na sa Middle East at Europe na agad nasundan ng Hong Kong, Japan, Singapore at Malaysia.

Simula ngayong October, available na rin ang Vivamax sa Indonesia, Thailand, South Korea, Taiwan, Brunei, Macau, Vietnam, Maldives, Australia at New Zealand.

Sa December, mas lalawak pa ang maaabot nito dahil magiging available na rin ito sa USA, Northern Marianas Island-Saipan, Guam, Hawaii at Canada.

Aabot na sa 71 global territories ang Vivamax mula nang ito’y mag-live.

Ang pambihirang paglaki na ito ay bunga ng pagpupursigi ng Viva na buuin ang content line-up ng streaming site sa gitnang mga pagsubok na kailangang harapin dahil sa pandemya.

Sa mga bagong original movies na nagpe-premiere linggu-linggo, kasama ang pinakamalaking library ng local at Korean movies, at dagdagan pa ng ’di mapapantayang line-up ng Hollywood blockbusters, nagtagumpay ang Vivamax sa paghahatid ng cinema experience sa lahat ng tao sa kanilang mga smartphone at sa pamamagitan ng TV casting.

Patunay sa dedikasyon nito ay ang line-up ng mga bagong pelikula na ilalabas sa 4th quarter ng 2021. Tampok ang mga pinakamalaki at pinakasikat na mga artista, at iba’t ibang movie genres na pasok sa panlasa ng bawat Pinoy.

Narito ang mga bagong pelikula na ilalabas sa huling quarter ng taon: Ang Manananggal na Nahahati Ang Puso ni Direk Darryl Yap, tampok ang bagong loveteam nina Aubrey Caraan at Marco Gallo; Shoot! Shoot! Di Ko Siya Titigilan, ang sexy comedy kasama sina Andrew E., AJ Raval, Sunshine Guimary, Juliana Parizcova Segovia, Wilbert Ross at Ali Khatibi sa ilalim ng direksyon ni Al Tantay;

Ang Pamilyang Hindi Lumuluha, isang family drama na tinatampukan nina Sharon Cuneta, Niño Muhlach at Moi Marcampo directed by Mes de Guzman at ire-release sa October 15; Sarap Mong Patayin nina Lassy Marquez, Kit Thompson at Ariella Arida na dinirek ni Darryl Yap at mapapanood sa October 15.

Ang sexy thriller na House Tour tampok sina Cindy Miranda, Diego Loyzaga, Sunshine Guimary, Mark Anthony Fernandez, Marco Gomez at Rafa Siguion-Reyna sa ilalim ng direksyon ni Roman Perez Jr., streaming on October 22; Sa Haba ng Gabi nina Kim Candy Pangilinan at Jerald Napoles na pinamahalaan ni Direk Miko Livelo’t mapapanood na sa October 29;

Ang HRNA, A Digital Concert featuring Adie, Arthur Nery, Rob Deniel and Unique sa October 29; Tala: The Film Concert ng Popstar Royalty na si Sarah Geronimo;

Nariyan din ang comedy movie na Barumbadings tampok sina Joel Torre, Mark Anthony Fernandez, Jeric Raval at Baron Geisler sa ilalim ng direksyon ni Darryl Yap at magsisimulang i-stream sa November 5; ang sexy thriller na Mahjong Nights kasama sina Angeli Khang, Sean de Guzman, Jay Manalo, Mickey Ferriols, Arnell Ignacio, Liz Alindogan at Jamilla Obispo sa November 12;

Ang Yassi Pressman-JC Santos-Diego Loyzaga starrer na Pinoy adaptation ng blockbuster Korean tearjerker, More Than Blue, kasama si Ariella at dinirek ni Nuel Naval sa November 19; Beksinated comedy concert ng Beks Battalion nina Chad Kinis, MC Muah at Lassy Marquez sa November 19;

Ang drama-romance na My Husband, My Lover nina Kylie Verzosa, Marco Gumabao, Cindy Miranda sa ilalim ng direksyon ni Mac Alejandre sa November 26;

Nagbabalik naman ang sex goddesses na sina Alma Moreno, Rosanna Roces, Maui Taylor at Ara Mina sa sexy comedy na Pornstar 2 kasama ang mga bagong ilo-launch na sina Cara Gonzales, Sab Aggabao, Ayanna Misola at Stephanie Raz sa ilalim pa rin ng direksyon ni Darryl Yap sa December 3;

Nariyan din ang onscreen team-up ng real-life sweethearts na sina Diego Loyzaga at Barbie Imperial na Dulo, directed by Fifth Solomon sa December 10; Crush Kong Curly nina AJ Raval at Wilbert Ross sa December 10; ang sequel ng comedy film na Sanggano, Sanggago’t Sanggwapo na Sanggano, Sanggago’t Sanggwapo at Sang Gay na pinagbibidahan muli nina Andrew E., Dennis Padilla at Janno Gibbs kasama na ang komedyante ring si Bayani Agbayani sa direksyon ni Al Tantay saDecember 17;

Ang launching pic nin Rose Van Ginkel na Eva sa December 17; ang comedy horror ng magkapatid na Toni at Alex Gonzaga, Exorsis, sa December 24; at ang Mang Jose starring Janno Gibbs, Jerald Napoles Mikoy Morales, Manilyn Reynes and Bing Loyzaga sa December 31.

AUTHOR PROFILE