Vincent

Viva, bukas ang pinto kina James at Nadine

August 19, 2021 Ian F. Fariñas 471 views

NANANATILING bukas ang pintuan ng Viva Films sa dating magdyowang James Reid at Nadine Lustre na matatandaang sumikat nang i-launch ng kumpanya sa blockbuster hit na Diary ng Panget.

Common knowledge na wala na sa Viva si James habang si Nadine naman ay may active contract pa sa Viva Artists Agency (VAA).

Sa virtual mediacon para sa Vivamax Milestone kahapon, sinabi ng Viva Comm, Inc. president/COO na si Vincent del Rosario, anak ng Viva big boss na si Vic del Rosario, na nagkausap na si Nadine at ang daddy niya tungkol sa paggawa ng proyekto.

“’Yung kanilang ano, content, nand’yan naman sa platform, ano, ’yung mga pelikula ni James, ni Nadine. Wala lang bago, pero I’m not sure, I think in a few weeks, we’re presenting to Nadine some projects that she may want to consider doing for us… movie projects for Vivamax or for the cinema. So we’re sitting down soon. Boss Vic asked us to come up with ideas, concepts that we can present to her (Nadine),” panimulang pahayag ni Vincent.

“So we’re very excited with the opportunity to work with her again and, hopefully, pretty soon, also with James whether through his music o kahit sa pag-aartista.

“It’s a timing issue, sa aming end. I think maraming beses nang nasabi ni Boss Vic, especially sa case ni Nadine, since we have an active contract with her nga, we want to work with her, we want her to do projects with us, and it’s just (a matter of) finding the right materials.

“Hinahanap din naman namin ’yung bagay sa kanya at saka ’yung matutuwa siyang gawin,” aniya pa. Sinigurado rin ni Vincent na sa loob ng taong ito ay mag-a-announce na sila ng magiging proyekto ni Nadine sa Viva “and hopefully, beyond that, even si James, whether them as a couple or individually.”

Dagdag pahayag pa ni Vincent, “Nadine is like family to us. I’ve seen her growth in terms of being an artist and as a person, lahat kaming nakasama sa Viva so ’yung opportunity na makatrabaho siya ulit in a new light, bagong… iba ’yung panahon, exciting, exciting for the whole of Viva, sa amin, sa aming mga empleyado, mga production team, excited. Kasi si Nadine brings a new flavor du’n sa, ’yun na nga, nabanggit kanina na artist mix, may mga ibang artistang makikita sa platform, so ’yun.”

Ayaw ngang paawat ng Viva at Vivamax sa paghahatid ng original content mapa-pelikula man, series, docu at concert maging sa gitna ng pandemya. Malalaking artista at performers ang nasa roster ng kanilang mga proyekto ngayong 2021 hanggang 2022.

Parte nga ito ng naipangako ni Boss Vic na maglalaan ng bilyong halaga sa pagpu-produce ng mga pelikula bago nagka-Covid 19 pandemic.

Ang paglo-launch ng Vivamax nu’ng Enero ay pagtupad sa pangarap ng Viva big boss na madala ang mga ito direkta sa consumers.

Mula nang i-launch, meron na itong 600,000 subscribers ngayon at nangunguna na ring entertainment app sa Google Play, kabog ang ibang mas established local at international streaming brands.

So far, tumatak sa Pinoy viewers ang kanilang offerings gaya ng Tala virtual concert ng Popstar Royalty na si Sarah Geronimo; ang Revirginized ni Megastar Sharon Cuneta; Gandemic ni Vice Ganda; Ang Babaeng Walang Pakiramdam, Ikaw at Ako at ang Ending ng magdyowang Kim Molina at Jerald Napoles; Paglaki Ko, Gusto Kong Maging Pornstar nina Ara Mina, Rosanna Roces, Maui Taylor at AJ Raval, Parang Kayo Pero Hindi ni Xian Lim at marami pang iba.

Marami pa silang mga susunod na releases gaya na lamang ng Taya nina AJ at Sean de Guzman, The Housemaid ni Kylie Verzosa, Paraluman ni Rhen Escaño, Shoot Shoot nina AJ at Andrew E., atbp.

May tatlong pelikula na rin daw na natapos si Bela Padilla na naghihintay na lamang ng release date at maging ang diyosa ng showbiz na si Anne Curtis ay may sisimulang horror series early next year sa ilalim ng direksyon ni Erik Matti.

Ang nasabing horror series ni Anne ay isa lamang sa partnerships na sinisimulan ng Viva sa ibang content producers. Ila-line produce ito ni Dondon Monteverde ng Reality Entertainment.

Pahayag ni Vincent, “Siyempre natagalan ito kasi si Anne, having a baby, ay iwas muna na lumabas-labas. But she has promised to take this on by January or February (2022). We’re also looking forward to an end of year concert for Anne.”

Maging si Sarah din daw ay bukas sa paggawa ng bagong movie. Kailangan lang ng tamang materyales para rito. Pero ang sure, eh, magkakaroon ng part 2 ang Tala concert ng misis ni Matteo Guidicelli soon.

In various stages of production naman ang mga pelikula at seryeng tatampukan ng iba pang malalaking artista gaya nina Aga Muhlach, Cristine Reyes, Empoy, Alessandra de Rossi, Julia Barretto, Toni Gonzaga, Alex Gonzaga, Matteo, John Arcilla, JC Santos, Diego Loyzaga, Barbie Imperial, Carlo Aquino, JM de Guzman, Sue Ramirez, McCoy de Leon at Elisse Joson, atbp.

May ilang production at licensing deals din ang Vivamax sa Star Cinema, Regal, IdeaFirst, Project 8, Reality, Black Cap Pictures, BlackOps Asia, TBA, Cignal Entertainment, Brillante Mendoza’s Centerstage Productions, The Probe Team, etc.

“Sabi ko nga, agnostic kami, eh. Mas maganda mas maraming makakasama, ’yun,” diin ni Vincent.

THERE ARE SO MANY REASONS TO LOVE LIFE — MOTHER LILY

motherSA ikalawang pagkakataon ay nag-celebrate si Mother Lily Monteverde ng birthday niya via a virtual gathering with friends and family kahapon.

Present sa naturang Zoom celebration ng 83rd birthday ng Regal Entertainment matriarch ang mister niyang si Father Remy at mga anak na sina Dondon, Roselle, atbp. \

Inumpisahan ito ng isang thanksgiving Mass na in-officiate ni Archbishop Soc Villegas.

Matapos ang Misa, nagpasalamat si Mother Lily sa lahat ng kanyang bisita tulad nina Susan Roces, Sen. Grace Poe, Charo Santos-Concio, atbp.

Ipinaalala niya na kahit nasa gitna tayo ng pandemya, marami pa ring rason para mag-celebrate at mahalin at pahalagahan ang buhay.

Siyempre, hindi buo ang selebrasyon kung hindi magpapa-sample si Mother ng kanyang talento sa pagpi-piano.

Siya mismo ang tumugtog ng birthday song na sinabayan naman ng kanta ng kanyang mga bisita.

Happy birthday, Mother Lily!

AUTHOR PROFILE