Wilbert

Wilbert ipinag-shopping sina Madam Inutz at ‘Hipon Girl’

August 19, 2021 People's Tonight 663 views

Itinuturing na pangalawang Kuya Wil si Wilbert Tolentino, ang former Mr. Gay World titlist, businessman, social media infuencer at philanthropist.

Sumusunod daw kasi siya sa yapak ng generous TV host na si Willie Revillame.

Bawat episode ng vlog niya ay meron siyang inaayudahan, kahit sa mga subscriber ay namimigay ang tinaguriang “Kuya Wil II” ng cash.

Ito ay tinatawag na “Kafreshness CodeBination Giveways.” May 20 winners ng P500 Gcash at dalawa naman ang nananalo ng Oppo A15.

Para sa mechanics, i-follow lamang ang Instagram account niyang sirwil75.

Kamakailan nga ay may collab sina Kuya Wil II at ang viral online seller na si Madam Inutz (Daisy Lopez) sa Wilbert Tolentino Vlogs YouTube channel na may 1.4 M subscribers.

Si Madam Inutz ay na-feature noon sa Kapuso Mo, Jessica Soho.

Trending din ang paggaya sa kanya ng komedyanteng si Pokwang. Nakipag-collab din sa kanya sina Ethel Booba at Donita Nose.

Anyway, may sorpresang handog si Kuya Wil dahil nagbigay siya ng P200,000 sa mag-ina — P100,000 para kay Madam Inutz at P100,000 sa ermat niya na may sakit. Sa loob ng dalawang araw, naka-1.6M views na ito.

Hindi pa natapos diyan ang paandar niya dahil nu’ng Wednesday ay nag-upload si Kuya Wil ng two-minute shopping challenge kina Madam Inutz at Herlene “Hipon Girl.”

Worth P107,231 ang nahakot ni Hipon na isi-share raw niya sa mga kamag-anak niya at sa mga nangangailangan.

Naniniwala si Harlene na ’pag may biyayang dumating ay kailangang ipamahagi para may pumasok ulit na grasya.

Si Madam Inutz naman ay nakahakot ng P342,173 sa challenge. Ititinda raw niya ito online para magamit sa medication ng kanyang ina.

Marami tuloy ang nagsasabi na bagay si Wilbert na maging manager ni Madam Inutz ngayong ni-release na siya ng Star Image Management.

Sigurado raw na maaalagaan siya ni Wilbert.

Perfect manager daw siya dahil mapagkakatiwalaan at may koneksyon. Hindi rin sila mag-aaway sa datung at komisyon dahil na-witness ni Madam Inutz ang generosity ni Kuya Wil II.

Hindi rin ito nasangkot sa kontrobersya sa pera dahil parehas lumaban.

Abangan kung hahantong nga sa talent at manager ang relasyon ng dalawa.

AUTHOR PROFILE