Default Thumbnail

Visayas niyugyog ng 5.0 na lindol

March 21, 2022 People's Tonight 361 views

INUGA ng magnitude 5.0 lindol ang malaking bahagi ng Visayas region, Lunes ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS).

Ayon sa ahensiya, tumama ang sentro ng lindol sa 10 kilometer southwest sa bayan ng Burauen sa Leyte 12:39 a.m.

Sa monitoring ng agency tectonic ang origin ng lindol at may lalim sa lupa na 4 kilometro.

Ayon sa Phivolcs, dahil sa lakas na lindol naramdaman ang Intensity V sa bayan ng Pastrana sa Leyte at Ormoc City.

Intensity IV naman ang naramdaman sa mga lugar ng Tacloban City, Abuyog, at Palo, Leyte. Intensity III sa Alangalang at Carigara, Leyte, Sogod, Southern Leyte.

Intensity II sa mga lugar ng Calubian, Leyte, San Francisco, at Cebu at naramdaman din ang Intensity I sa Lapu-lapu at Argao City, Cebu.

Dagdag ng Phivolcs, walang inaasahang mga pinsala sa ari-arian subalit pinag-iingat ang mga residente sa mga tinamaan ng lindol sa posibleng mga aftershocks.

AUTHOR PROFILE