Vice1

Vice, tinanggap ang public apology ni Gretchen

September 3, 2022 Vinia Vivar 306 views

Yan

Kaagad na humingi ng dispensa ang TV5 hinggil sa inilabas nilang balita tungkol kina Vice Ganda at Marian Rivera sa Frontline sa Umaga.

Naibalita kasi sa entertainment segment ng nasabing daily morning news program na natuldukan na ang iringan nina Marian at Vice matapos magkita’t magyakapan sa isang okasyon a few days ago.

Inalmahan ni Vice ang ang nasabing balita at sunud-sunod ang kanyang tweet noong isang araw.

“Ha??????!!!!!!!!!!! San galing ang balitang to?????? Nagkaissue kami? Iringan??!!!!! Pauso! Yuck! Super yuck! Mema???!!!” ang tweet ni Vice Ganda.

“Super kadiri yung mga balitang mema! Eeeooooowwwwww!!!! Clickbait???!!!! Fake news????!!!! TAE,” tweet pa ulit ng TV host/comedian.

Kaagad namang binigyan ito ng pansin ng TV5 management at nag-release ng public apology the following day, Friday.

“Humihingi kami ng paumanhin sa mga personalidad na nasangkot sa maling report na inilabas kahapon dito sa showbiz segment ng Frontline sa Umaga na nagsabing nagkaroon ng iringan sina Vice Ganda at Marian Rivera.

“Agad pong inaksyunan ng pamunuan ang issue matapos mapag-alamang mali ang naging ulat.

“Muli, humihingi kami ng paumanhin at sisikaping hindi na maulit ang nasabing pagkakamali,” ang pahayag ng host na si Gretchen Ho.

Nag-tweet naman ng pasasalamat si Vice kay Gretchen sa pagklaro sa issue at paghingi ng dispensa.

“Thank you @gretchenho. I appreciate it,” tweet ni Vice.

AUTHOR PROFILE