Vilma

Ate Vi, ‘epic’ ang reaksyon sa pagbubuntis ni Jessy

September 3, 2022 Vinia Vivar 248 views

Aliw ang vlog ng mag-asawang Luis Manzano at Jessy Mendiola kung saan ay makikitang ipinaalam na nila for the first time sa kani-kanilang pamilya na pregnant na nga ang huli.

Epic ang reaksyon ng nanay ni Luis na si Star for All Seasons Vilma Santos.

Ipinaalam ng mag-asawa kay Ate Vi na magkakaapo na siya noong Mother’s Day.

Nang binati ni Luis si Jessy ng “Happy Mother’s Day” ay napatingin si Ate Vi pero hindi pa niya masyadong na-gets.

Sabi ni Luis sa mommy niya, “Hindi mo siya (Jessy) babatiin?”

Napatanga si Vilma. “Ha? What do you mean?” aniya.

Nakangiti naman ang mag-asawa kaya parang nahuhulaan na ni Ate Vi.

“Mother ka na ba? Serious?” tanong ni Ate Vi na gulat na gulat.

Nang tumango ang mag-asawa, sunud-sunod na “oh, my God!” ang nasambit ni Ate Vi sa sobrang kasiyahan.

Niyakap niya ang mag-asawa at binati.

Well, feel na feel namin ang happiness ni Ate Vi since noon pa naman ay gustung-gusto na talaga niyang magkaapo.

Makikita rin sa vlog na dinalaw ng mag-asawa ang daddy ni Luis na si Edu Manzano noong June naman para ipaalam din ang good news.

Ipinakita nila ang sonogram ng baby at masayang-masaya rin ang future lolo, gayundin si Cherry Pie Picache, na as we all know, ay current girlfriend ni Edu.

Nasa ibang bansa naman lahat ang pamilya ni Jessy at siyempre, tinawagan niya ang mga ito para ipaalam ang kanyang pagbubuntis.

Makikita rin sa video ang pag-uusap nila via Zoom at nagbigay din ng advice ang parents niya sa kanilang dalawa ni Luis.

AUTHOR PROFILE