Viceion

Vice, pasimpleng nagpasaring sa bashers

November 10, 2021 Vinia Vivar 240 views

Pasimpleng nagpasaring si Vice Ganda sa kanyang mga basher sa kanyang latest TikTok video.

Sa kanyang selfie video ay makikitang nasa loob ng kanyang umaandar na sasakyan si Vice at sa simula pa lang ng hirit niya ay matatawa ka na.

“Oh my God! Ang fresh ko ngayon!” bungad niya.

“And I realized, ang laki pala ng talaga ng na-improve ng hitsura ko kumpara dati, ‘no? ’Di ba?

“And I also realized upon checking my checkbook, mas marami pala akong pera ngayon, mas yumaman pala ako this year,” patuloy niya.

Bukod pa riyan, ang kanyang lovelife ay bonggang- bongga pa rin daw.

“And also, I checked my room. Nandu’n pa rin ‘yung dyowa ko nagpapahinga. Yes, kami pa rin. Masaya pa rin kami. Three years na,” sey niya.

Binanggit din niya na happy siya dahil napasaya niya ang kanyang ina sa kanilang biyahe recently sa Amerika.

“And also, I checked from my handlers, may mga bago pala akong awards. Oh my God! Ang dami ko palang bagong achievements,” aniya.

Kasunod nito ay nagbigay siya ng sarkastikong mensahe sa kanyang mga basher.

“Now, I wanna check on my bashers. How are you guys? Mas marami ba kayong pera ngayon? Mas maganda ba kayo ngayon kaysa dati?

May dyowa ba kayo? Masaya ba kayo? Kamusta ‘yung nanay n’yo o ang pamilya n’yo? Okay ba kayo? May mga bago ba kayong achivements?

And yumaman ba kayo?

“Ha? Hindeee? Syet!! Ang lungkot no’n, ha! Nakakaloka! Hindee? Ang sad! (Talking to her driver) Kuya, daan nga muna tayo sa simbahan.

Ipagdadasal ko lang ang mga bashers ko. Para umasenso naman. Kawawa,” sunud-sunod na litanya ng Unkabogable Star.

Hahaha!

KYLINE, UMAMING NAKAPAG-OVERNIGHT NA SA BAHAY NI MAVY

Hindi naman pala lingid sa parents nina Mavy Legaspi at Kyline Alcantara ang namumuong magandang pagtitinginan ng dalawang young stars lalo pa nga’t nasa showbiz din ang mga magulang ng una na sina Zoren Legaspi at Camina Villarroel.

“Nakatrabaho na ni Kyle ‘yung Mama ko, ‘yung Papa ko, so they’re very familiar with Kyle and like I’ve mentioned earlier, we’ve been friends for a very long time so there are times na bumibisita siya sa house, lumalabas kami. So, they’re very familiar with all that,” sabi ni Mavy sa virtual mediacon ng I Left in My Heart In Sorsogon.

He added, “Pagdating naman sa mga magulang ni Kyle, kilala rin ako, pumupunta rin ako sa bahay ni Kyle minsan, we go for a drive or stuff like that. So mas naging close ko rin sina Tita and Tito. So, yeah, we have that type of relationship na, both Kyle and I.”

Ayon naman kay Kyline, parang magulang na rin ang tingin niya kina Zoren at Mina.

“I consider them as my Mom and Dad also. Kasi, sa mga past teleseryes ko po, si Tita Mina, naging mommy ko, and si Tito Zoren, naging daddy ko naman siya. So, may ganu’n relationship na ako sa kanila.

“And yes, bumibisita nga po ako minsan sa bahay nila Mav. Like there was this one time, nag-overnight kami and siyempre, kinabukasan, makakasama namin sa breakfast si Tita Mina or Tita Zoren,” sey ni Kyline.

Na-appreciate rin daw niya na super marespeto si Mavy sa kanyang parents at kapag lalabas daw sila ay lagi itong nagpapaalam sa mga ito.
Sa nasabing mediacon ay kinumpirma na ni Mavy na nanliligaw nga siya kay Kyline.

AUTHOR PROFILE