Prob

Millennial congressman, nagpaalam kina Coco at Sen. Grace para magamit ang ‘Ang Probinsyano’

November 10, 2021 People's Tonight 265 views

NAKAHALUBILO na ng Ang Probinsyano Partylist nominee na si Cong. Alfred “Apid” de los Santos sina Coco Martin, Yassi Pressman, Boy Abunda at JM de Guzman.

Nagpaalam ang kongresista kina Coco, Senator Grace Poe at Yassi para gamintin ang Ang Probinsyano bilang name ng kanilang partylist.

Natuwa naman si Kuya Boy nang malaman niya na ang pagtulong sa mga pangangailangan ng probinsiya ang misyon ng partylist nila.

Nang ma-meet ni Cong. Alfred si JM at nalaman ang adhikain ng partylist, nagboluntaryo siya para tumulong.

Laking-probinsya si Cong. Apid mula sa Legazpi, Albay. Graduate siya ng Business Adminstration sa UST-Legazpi.

Nang unang tumakbo last 2019 election ang APPL, number 5 ito sa 51 winning partylists.

Isang millennial congressman si Cong. Alfred pero marami siyang programang ikauunlad ng mga nananahan sa probinsiya.

MAX, PINAKAMASARAP HUMALIK — ROCCO

PINAKAMASARAP humalik para kay Rocco Nacino si Max Collins sa mga nakapareha niya.

Sinagot ni Rocco ang tanong sa guesting niya sa The Boobay and Tekla Show segment na “Sasagutin O Kakainin.”

“Usapang eksena, so ibang usapan ‘to. Trabaho ‘to kaya sasagutin ko na ‘to. Ang pinakamasarap humalik ay si Max Collins,” bulalas niya.

Dagdag pa ng aktor, bigay na bigay raw ang co-star niya sa To Have And To Hold sa mga eksena.

“Hindi siya malaswa!” dagdag ng aktor.

Kapwa may asawa na sina Rocco at Max. Ni Jun Nardo

AUTHOR PROFILE